CHAPTER 29'~ HASHTAG CHAZER PA MORE!

49 3 0
                                    

" Gladys!" tawag ko sa kanya pagkapasok ko ng aming classroom.

As usual, maaga na naman kami kaya kaming dalawa pa lang ang nasa classroom.

Umupo ako at tumabi sa kanya. Kimi lang ang ngiting ibinigay niya sa akin kaya naman hindi ko maiwasang ikunot ang noo ko.

" Nasan ka kahapon? Bakit hindi ka pumasok? Tinext kita hindi ka man lang nagreply!" sabi ko pa habang nakatingin sa kanya.

" ano kasi...masama ang pakiramdam ko," tipid na sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. Nagpatuloy lamang siya sa pagbabasa.

Anong problema nito? Hindi ako sanay na ganito siya.

" Okay ka lang?" Tanong ko pa.

Tumango lang siya ng hindi pa rin ako tinitingnan.

Galit ba to? Kanino? Sa akin? Bakit?

Nagtataka kong tanong sa isip ko.

Nakatingin lamang ako sa kanya ng nagtataka. Alam kong alam niyang nakatingin pa rin ako sa kanya pero hindi niya talaga ako nililingon. Pansin ko rin na parang namamaga at namumula ang mga mata niya.

Umiyak ba to?

Tanong ko sa sarili ko.

" Gladys!" mahinang tawag ko sa kanya. Parang gusto kong mag-alala sa ikinikilos niya.

She sighed. " Charity...wag muna ngayon, please!" mahina ring sabi niya pero may diin.

Kapag ganito siya at ganito na ang tono niya, I know there's something wrong. Siya kasi yung tipo ng tao na kahit napakadaldal at napaka bubbly, kapag tinoyo naman o kaya sinumpong, ay napakaseryoso.

Alam kong sa pagkakasabi niyang yun...she wanted me to give her space for awhile.

At dahil dun, umayos na lang ako ng upo at tumahimik. She's my bestfriend that's why I understand her.

Alam kong hindi rin magtatagal, magkukwento din yan sakin. Hihintayin ko na lang siya na lumapit sakin.

WORDSMITH DEPARTMENT

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kaagad ako dito sa pag-aakalang nandito si Gladys.

Kanina ko pa siya hinahanap dahil isang subject lang ang pinasukan niya pagkatapos ay nawala na kaagad.

Umupo na lamang ako sa cubicle ko at kinuha ko ang cellphone ko.

Nakita kong may sampung missed calls at 20 text messages sa akin galing kay Aizer.

Nagmamadaling binasa ko ang mga iyon.

Shoot! Saka ko lang naalala na sabay nga pala kaming maglu-lunch dapat ngayon. Pero dahil sa paghahanap ko kay Gladys ay nakalimutan ko na.

Tatlong oras na ang nakalipas ng magtext sa akin si Aizer.

Kaya naman dali-dali ko siyang nireplyan.

Text Message:

Hi! Nag lunch ka na? Sorry...nakalimutan ko...

Message sent!

Ilang Segundo lang ay may reply na kaagad galing kay Aizer.

Message:

Not yet. I was waiting for you. Sabay tayo diba?

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon