chapter 32

42 2 0
                                    

" Charity, puntahan mo na si Aizer. I'll be okay," pamimilit sakin ni Gladys.

Sabado ngayon at walang pasok pero nandito ako ngayon sa kanila. Maaga pa lang ay nandito na ako dahil hindi na naman ito pumasok kahapon. I know there's something wrong. Ayaw lang niyang ipaalam. Papasok naman ito kung hindi ganun kabigat ang problema. Pero I know that she can't handle the situation anymore.

And I was right. I found her silently crying in her room. And there she told me the story. Nagpunta pala si Alex dito kahapon and asking her to fix their relationship. But she simply can't agree with him because she still confused. And then there's the other guy who's asking for a day with her to give their feelings a chance. And that makes her confused even more.

Naiintindihan ko yung bigat sa dibdib na nararamdaman niya. Kita ko sa mga mata niya na nahihirapan nga siya. At dahil diyan, hindi ko tuloy siya magawang iwan.

Tumawag kasi si Aizer kani-kanina lang pero hindi ko nagawang sagutin ang tawag niya. Kaya naman nagtext na lang ito at sinabing pupunta daw ito sa amin dahil gusto raw niya kong makita.

Isang lingo na ba naman kaming hindi nagkita eh! Aminado naman akong miss na miss ko na ring yung lalaking yun pero hindi ko lang talaga magawang iwan tong bestfriend ko.

Kaya naman I texted him back na wala ako sa bahay at sa Monday na lang kami magkita dahil nandito ako ngayon kina Gladys. Hindi na ito ulit nagreply dahil sure naman akong naiintindihan niya ako.

" I can't leave you like this Gladys! Look at you! You look like a mess!" I exclaimed.

" Papano naman si Aizer? Wag kang O.A Charity! Kaya ko pang i-handle 'to! Okay?!" pangungumbinsi pa niya.

" Ikaw lang naman ang iniisip ko.I'm sure Aizer will understand," pagpapaunawa ko naman sa kanya. Ayoko kasi talaga siyang iwan dahil a part of me ay nakokonsensya din. Kung nalaman at napansin ko lang agad na may dinadala pala siyang problema sana kahit papaano ay nabigyan ko siya ng time.

Ayoko namang sabihin niya na nagkalovelife lang ako ay nakalimutan ko na siya. Kaya as her bestfriend, I want to be with her para madamayan siya.

Naramdaman ko ang mahinang pagbatok niya sa ulo ko. " Ano ka ba?! Wag mong samantalahin ang pagiging understanding niya! Ayoko ring ako ang maging dahilan ng pagkapurnada ng lovelife mo noh!"

Inirapan ko siya ng dahil dun. " I believe he can wait kung yan ang inaalala mo. Kaya wag kang mag-alala na mapupurnada ang lovelife ko!" I answered back.

Dahan-dahan niyang iniling-iling ang ulo niya. Seryoso niya akong tinitigan sa kanyang mga mata. " Tsk. Tsk. Wag kang masyadong pakampante Charity. Dahil minsan, kahit hawak muna, pwede pa ring mawala kung hindi mo pag-iingatan," makahulugang saad niya.

Para namang bigla akong tinamaan sa sinabi niyang iyon. Ewan ko ba pero parang may naramdaman akong kakaibang kaba. The thought of Aizer walking away in my life, parang bigla akong natakot. Parang ayoko yung mangyari. And I will not allow that to happen.

" Okay fine!" sumusuko kong saad sa kanya. " You win! Makikipagkita na ako sa kanya. But are you sure you'll be fine?" I asked worriedly.

She nodded reassuring me that she'll be just fine. " Go! Puntahan mo na si Aizer. Okay lang ako."

Tiningnan ko muna siya sa mga mata para masiguro kong nagsasabi nga siya ng totoo. I pressed her hands and hugged her. " Kaya mo yan bestfriend! Ikaw na ang may mahabang buhok!" biro ko.

Nagtatawanan kaming humiwalay sa isa't isa. She looked okay now. Pero alam ko namang pansamantala lang yon. Pag umalis na ko, babalik na naman sa lungkot ang mga mata niya. Alam kong iiyak na naman siya at mag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon