Chapter 21- #MomentOfTruth

116 6 0
                                    

Aizer’s POV

Tumayo agad ako ng biglang umalis si Charity.

Ngunit bago ko sya sundan tiningnan ko muna ang magagaling kong mga kaibigan.

“ What are you waiting dude?! Go after her!” sigaw ni Nick sa akin.

Palalampasin ko muna ang kalokohan ng mga ‘to. For now, Charity is my priority! I have to talk to her. We have to talk.

And without wasting time, I run after her. Tumakbo ako para mahabol ko siya bago pa siya tuluyang makalayo. At hindi naman ako nabigo. Naabutan ko siya na palabas pa lamang ng gate.

“ Charity wait!” tawag ko sa kanya. Mabilis akong lumapit sa gawi niya. Nakatalikod siya sa akin habang mabilis na naglalakad. I hold her arm to stop her from walking.

“ Charity!”

Huminto naman siya at lumingon sa akin. Magkalapit at magkaharap na kaming dalawa. I just look at her while still holding her arm.

“ Aizer, uuwi na ko. Gabi na e,” sabi niya.

“ Charity, yung sinabi ng mga kaibigan ko, I----

“ Yun ba? Sus! Wala yun!” Sabay hampas sa hangin ng kanang kamay nya. “ Alam ko namang nagbibiro lang sila. Okay lang yun,” sabi pa nya.

“ It’s not a jo---

“Tsss… wag ka mag-alala hindi ko naman seseryosohin yun. Ako pa ba?!” sabay turo niya sa sarili niya habang nangingiti. “ It’s okay Aizer. Mabibiro talaga mga kaibigan mo,”

“ Cha---“

“ O pa’no alis na talaga ko ah! See you!”

Akmang tatalikod na siya sa akin pero mabilis ko siyang pinigilan. Mabilis ko siyang naiharap sa akin sabay yakap sa kanya. I hug her tight just to be sure that she can’t escape from me. And then I said my piece.

“ Shhhhh….Will you let me finish first?” I whisper into her ears. My right hand is on her hair. Caressing it gently with my thumb. While my other hand is on her back, locking her.   “ Hindi sila nagbibiro. Yung sinabi nilang  you’re my type, totoo yun. I don’t know how and I don’t know why. But the moment I laid my eyes on you, I can’t stop myself watching you from afar, silently wishing that you would look at me with desire in your eyes just like the other girls.” And then I chuckled. “ But it didn’t happened. You just look at me like I’m one of the boys in the university. Parang wala lang. I tried to read the expression in your eyes when you’re with me, I also tried to take advances on you for me to know how you would react when you’re close to me. You buckle sometimes and natataranta when you get near me,  and that gave me a little hope. And I want to grab that little hope to take a chance… to admit what I feel.”

Niluwagan ko ng bahagya ang pagkakayakap ko sa kanya para magka face to face kaming dalawa. I cupped her face and looked at her.

“ Charity, I like you. In fact, I love you,” I said sincerely.

Charity’s POV

Oh my God! Is  this really happening?

Lord, kung panaginip ko lang to, pwede po bang dito na lang ako? Wag nyo na kong gisingin!!!

But the moment he cupped my face, dun ko napatunayan na hindi pala ako nananaginip.

Totoo ngang nasa harap ko si Aizer ngayon.

Totoo ngang niyakap niya ko.

Totoo ngang tinitingnan niya ko sa mga mata ngayon na puno ng…

“ Charity, I like you. In fact I love you,” sabi nito.

At totoo ngang nagco-confess siya sakin ng love niya for me.

O.M.G.

What am I gonna doooooooooooooooo?

“Hey!” untag nito sa pananahimik ko. “ Come on Charity, say something!” sabi pa nito.

“ I-I-I don’t know what to say Aizer. Seryoso ka ba o ginu-good time mo lang ako? C’z I swear kinakabahan ako ngayon at tumatambol ang dibdib ko,” sabi ko sa kanya ng himig nagbibiro.

Napangisi siya sa sinabi ko at dahil dun ay pinagdikit niya ang aming mga noo.

“ Charity,” he whispered.

At amoy na amoy ko ang mint breath niya.

And then he rubbed his nose against mine while closing his eyes. I close my eyes too and held his arm.

“ I’ve never been this serious in my life. You’re the most special girl in my life right now. And…”

He kiss my forehead and  then my nose.

“ I love you Charity,” he said.

That moment, I can feel Aizer’s sincerity.

I look into his eyes to know how sincere he was. But he’s really dead serious!

“ Aizer, parang masyado yatang mabilis. Wala pa tayong isang buwan na magkakilala. Nag-uumpisa pa lang tayong kilalanin ang isa’t isa. Baka naman masyado ka lang nao-overwhelmed sa presence ko kasi madalas tayong magkasama. Hindi ko alam kung paano ko susuklian yung nararamdaman mo given na m----

“ Ssshhhh. No pressure Charity. Not because umamin ako sa feelings ko para sayo, you are oblige to return it back. Ayokong mapilitan ka lang. If you want to return my feelings for you, gusto ko yung totoo. Yung hindi ka napipilitan lang. And to make it happen, don’t worry, I’ll make you fall in love with me,” kampante nitong saad. “ Basta promise me, that you will give me a chance,” sabay hawak nito sa baba ko para iangat ng bahagya ang mukha ko at para magtagpo ang tinginan naming dalawa.

I nod my head in agreement and gave him my sweetest smile.

Because of that, napangiti siya ng malapad at niyakap niya ko ng mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko at lalong hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin na para bang tatakas ako sa kanya.

Juice ko Looooooord! Kinikilig ako ng bonggang bonggaaaaaaaaa!!!

Masyado ba kong naging mabait to deserve this?

Feeling ko tuloy ako si Rapunzel sa sobrang haba ng buhok ko at mas maganda pA  ako kay Snow White. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

 Basta ang alam ko kinikilig ako.

Ang alam ko gandang-ganda ako sa sarili ko sa mga oras na ito.

At ang alam ko, masayang-masaya ako.

Kasi reality is better than my dreams. Habang yakap-yakap niya ako, alam ko may unawaan na kaming dalawa. Alam ko na nagkaintindihan na kami.

At ang alam ko rin na ito na ang simula ng journey ko to a happy heart.

O diba antaray?

Mai-hastag nga!

#MyJourneyToAHappyHeart

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon