Chapter 12~ #SigeLangI-PushAng SOMETHING

68 6 0
                                    

“ Psst!”

“ Psst!”        

“ Psst!”

Sino ba yun? Nagtatakang nilingon ko ang pinanggalingan ng mga sutsut na iyon. Kasalukuyang nasa Buenafox building ako para puntahan si Aizer. Ngayong araw kami nagkasundo na isagawa ang interview.

“ Hi Charity!” nakangiting bati sakin nung isa.

Nagtatakang lumapit ako sa gawi nila.

“ Hi! Diba kayo yung mga kaibigan ni Aizer?” tanong ko.

Tumango silang tatlo.

“ Anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ko sa kanila.

“ Diba sabi namin dadalawin ka namin?” sagot naman ni Mark.

Nagtatakang tiningnan ko sila. “ Ako talaga?” hindi makapaniwalang sagot ko.

Nagtawanan sila.

“ Wag ka ng magulat at magtaka Charity. Dahil lagi-lagi mo na kaming makikita,” nakangiting sabi naman ni singkit.

Lumapit sa tabi ko si Mark, ang mukhang chick boy sa kanila at inakbayan ako.

“ So Charity, may boyfriend ka na?” tanong nito.

“ Wala pa. Bakit manliligaw ka?” tanong ko.

Nagtawanan na naman sila. Aba insulto tong mga ‘to ah! Kanina pa sila nagtatawanan hindi naman masyadong nakakatawa yung mga sinasabi ko. Masiyahin lang ba talaga sila?

“ I really like this girl!” sabi ni Mark at ginulo ng bahagya ang buhok ko. “ Gusto man kitang ligawan, kaya lang alam kong hindi na pwede. Magagalit si Aizer,” nakangiting sabi nito.

“ Ha? Bakit naman siya magagalit?” naguguluhang tanong ko.

“ You’ll find out soon Charity. Pero sa ngayon, hayaan mo munang magpakilala kami sayo. Dahil alam  naming hindi kami ipapakilala ng kaibigan namin sayo,” sabi naman nung kamukha ni Luis Manzano. 

“ Ako nga pala si  Luis, the most handsome of them all,” nakangiting kinuha nito ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.  Astig! Luis din talaga ang pangalan niya.

“ Sige ikaw na ang pinaka gwapo, pero ako naman ang pinakamalakas ang appeal. Mark nga pala Charity,” sabi nito ng hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay nito sakin. Kinuha pa nito ang kamay ko at nakipagkamay. Marahang pinisil nito ang palad ko at nag beautiful eyes pa sa harap ko. Chick boy talaga ‘to.

“ Oy walang ganyanan mga pare.  Ang yayabang niyo naman. Ako na lang ang magpapaka humble sa kanila Charity. By the way  I’m Nick, ang pinakamayaman, pinakagwapo at pinaka ma-appeal talaga sa kanila,” anito at kinuha ang kamay ko at mahinang hinatak ako palapit sa kanya para yakapin  ako. Umm.. .ang bango naman ni singkit.

“ Hoy pare mahiya ka nga! Ang manyak mo talaga!” sita ni Luis.

“ Lagot ka kay Aizer kapag nakita ka niya!” sabi naman ni Mark.

At dahil masyado akong nao-overwhelmed sa kanila, hindi ko tuloy alam kung paano ako magre-react.

“ What are you doing here?!” Ayun na nga! Hindi namin namalayan na nandito na rin pala si Aizer at lumabas ng kanyang office. Salubong ang kilay na lumapit siya sa amin.

“ Hi dude!” bati nito.

Hindi siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang ang lakad papunta sa gawi ko. At nung nasa harapan ko na sya ay seryoso ang mukhang tiningnan nya ko.

“ San ka ba nanggaling? Kanina pa ko naghihintay. Hindi ba dapat hindi mo pinaghihintay ang iinterview-in mo?” galit nitong saad.

At dahil seryoso siya, bigla akong kinabahan. Kasi naman tong tatlo na ‘to eh! Tinawag-tawag pa ko!sabi ko sa isip ko.

“ Papunta na talaga ko sayo, kaya lang tinawag nila ko,” sagot ko sa kanya.

Saka lamang siya tumingin sa mga kaibigan niya habang salubong pa rin ang dalawang kilay.

“ Anong ginagawa niyo dito?” iritadong tanong nito sa kanila.

“ Tinawagan lang ako ni Mark. Sabi niya dalawin daw namin si Charity,” sabi ni Nick na umupo sa sofa ng nakadekwatro habang inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo. Sumipol-sipol pa ito.

Tiningnan naman ni Aizer si Mark.

“ Wag ako pare! Si Luis talaga ang nagsabing bisitahin namin si Charity!” turo naman nito kay Luis.

“ O bakit ako bigla? Ako nga lang ‘tong inaya niyo eh!” depensa naman ni Luis.

At nagturuan na po silang tatlo. Yung totoo? Pasimpleng tumingin ako kay Aizer. Napapailing na tiningnan niya lang ang mga ito.

“ Umuwi na kayo. Bawal bisitahin si Charity! Hindi ito kulungan para dalawin siya,” seryosong sabi nito sa kanila.

At nagtawanan na naman po ang tatlo. Habang ako biglang naguluhan sa sinabi niya.

“ Dude! Wag mo namang ipagdamot samin si Charity!” reklamo ni Mark.

Binigyan ito ni Aizer ng masamang tingin.

“ Ang aga mo namang maging possessive pare!” sabi naman ni Nick.

“ May something na yata sa inyo ni Charity kaya ayaw mong dalawin namin sya dito eh!” sabi naman ni Luis.

Dahil sa sinabi niyang iyon, nanlaki ang mga mata ko. Ano bang pinagsasasabi nito? Nakakahiya kay Aizer. Baka kung anong isipin nito!

“ Wala ngang something sa’min. Bakit ba ang kulit nyo?” singit ko. Actually, dinedepensahan ko lang ang sarili ko. Mahirap na. Baka isipin ni Aizer crush ko sya. Huh!  Bakit hindi ba? Singit naman ng isip ko. Oo na. Gwapo si Aizer pero hindi ko pa sya crush. Ang sungit nya kaya! Sagot ko naman sa isip ko.

“ Siguro sayo Charity wala pa. Pero baka sa kaibigan naming si Aizer me---“ hindi na natuloy ang sinasabi ni Mark dahil pinutol na ‘to ni Aizer.

“ One more word at ipapa-ban ko talaga kayo dito,” seryosong saad ni Aizer.

Nagngisihan ang tatlo na para bang may narinig silang magic word sa sinabi ni Aizer.

“ Oh dude naiintindihan ka namin. Pero  kelan  pa nabahag ang buntot mo?” ani Mark na lumapit pa kay Aizer at inakbayan ito habang tinatapik ang balikat nito.

Naiinis na inalis ni Aizer ang kamay ni Mark sa pagkakaakbay nito sa kanya. Kapagkuwan ay hinawakan nito bigla ang kanang kamay ko.

“ Let’s go. Dun tayo sa lugar na wala sila,” sabay tingin nito sa mga kaibigan nya.

Biglang nagreact ang mga ito.

“ Whoaa! San mo na naman dadalhin si Charity?” tanong ni Luis.

“ Ang bilis mo naman dude! Tanan kaagad?” singit naman ni Mark.

“ At holding hands kaagad? Akbay muna bro!” sabi naman ni Nick.

Adik ba tong mga to? Ang lalakas talaga mag trip.

“ Let’s go!” sabi ni Aizer at hinatak na ang kamay ko . Pero bago kami makalayo, nagpahabol pa ko ng paalam sa kanila.

“ ba-bye! “ sabay kaway ko sa kanila.

“ Bye Charity! Next time na lang tayo mag date!” sigaw ni Mark habang nakangisi.

Biglang huminto sa paglalakad si Aizer kaya napahinto rin ako. Nilingon niya si Mark at binigyan ng nakamamatay na tingin. “ Go to hell bro!” iyon lang at hinila na  nya ulit  ako papalayo sa tatlo.

Tawanan na lang nila ang narinig ko. Hanggang sa makalabas na kami ng building ni Aizer.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon