Chapter 8'~ Operation: Pestering Aizer ( Day 2) :)

95 9 0
                                    

Alas nuebe pa lang ng umaga at kasalukuyang nagmemeryenda kami ng bestfriend kong si Gladys sa canteen. Katatapos lamang ng dalawang subject namin at pagkatapos nun may dalawang oras kaming vacant.

“ Friend, ano ng nangyari sa assignment mo?” nakangiting tanong sa’kin ni Gladys.

Assignment ang codename na gamit namin kapag si Aizer ang pag-uusapan. Bilin kasi iyon ng aming department dahil wala pa ngang pwedeng makaalam na may balak kaming isali si Aizer para sa BF Magazine na aming gagawin.

“ Ayun…pakipot pa rin!” sabay nguya sa tinapay na hawak-hawak ko.

“ Ano ba yan friend, wala pa ring improvement?” nang-aasar na tanong niya sakin.

“ Masyadong matigas eh. Mas pakipot pa siya kay Dylan Ramirez.” Sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang huling nainterview ko para sa campus magazine na campus crush ng BF University.

Iiling-iling na sumandal siya sa kanyang kinauupuan habang nguya-nguya naman ang hotdog na binili nito.

“ Parang nababagalan ako sayo ngayon friend.”

Kinunutan ko siya ng noo. “ Haleeer! Ikaw kaya ang magpapa-oo dun. Para na nga akong asong susunod-sunod dun eh!”

“ Hindi ka pa ba nasanay? E lagi namang ganyan ang gawain mo eh!” nakangisi niyang sagot sa akin.

Iningusan ko siya. “ Sige nga friend, kung ikaw ako, paano mo siya mapapa-oo? Want to give me some of your smartly ideas?” I asked sarcastically.

Umalis siya sa pagkakasandal sa kanyang upuan at ipinatong ang dalawang braso sa mesang nakapagitan sa amin saka inilapit ang mukha sa akin.

“ Hindi dapat yan ang tanong friend. The question is, anong gagawin mo sa sitwasyong ganito?” tanong niya sakin ng makahulugan.

At ako, bilang naguguluhan nga sa sinabi niya, lumingon na lang ako sa biglang itinuro ng nguso niya.

Lumingon nga ako at sinundan ang tinuturo niya. Lumanding ang tingin ko sa may entrada ng canteen namin at nakita ko si Aizer na may kasamang tatlong VIP people ng university, na naglalakad-lakad at siguradong sinanasamahan siyang libutin ang buong university.

Halos lahat ng estudyanteng nakakakita sa kanila, lalo na ang mga kababaihan ay talaga namang hindi maalis ang tingin kay Aizer. Hmmm!

“ Look girl, Aizer Buenafox is here!”  impit na sabi ng isang babae sa kabilang table.

“ OMG! Siya ba talaga yun?” kinikilig na sabi ng kaibigan ng isa sa mga babaeng nasa kabilang table.

“ Wait! Wait! Wait! Ako ba ang hinahanap niya?” kasama rin ng mga babae sa kabilang table.

At bigla akong naging aware sa mga taong nasa paligid ko. Grabe! Parang artista lang si Aizer ah!

Ibinalik ko ang tingin sa matalik kong kaibigan. Mukhang alam ko na ang gusto nitong ipahiwatig. Mukhang gusto na naman yata nitong maaliw.

Iiling-iling na ipinaikot ko ang mga mata ko.

“ So, pagbibigyan mo ba ang bestfriend mo? Hmmm?” sabi niya habang nangingiti.

I chuckled.

And this time, it’s her who rolled her eyes. Muli siyang bumalik sa pagkakasandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib.

“ Oh c’mon! Ngayon na nga lang ako makakapanood ng show mo eh. Pagbigyan mo na ko!” giit pa niya habang nakangisi. “ Gusto ko lang naman makita at malaman kung hanggang saan na ang closeness ninyong dalawa. Please!!” She made a puppy look.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon