CHAPTER 28

59 4 0
                                    

" Hoy Charity!" tawag sakin ng bakla kong kaklase na si Rowen.

" O bakit Rowen?" nakataas ko namang kilay na tanong sa kanya.

Wala lang. Ganyan lang talaga namin i-approach ang isa't isa minsan. Pero hindi kami magkaaway.

Wala naman akong kaaway noh! Friends ko kaya silang lahat.

Lumapit ito sa gawi ko at umupo na rin sa harap ko.

Nakiupo na rin malapit samin ang mga kaklase ko.

Kunot-noong tiningnan ko sila. Para kasing alam ko na kung bakit nila ko pinag-uumpukan ngayon.

Paniguradong iintrigahin lang nila ako.

Napapailing na tiningnan ko sila.

" So, kamusta naman kayo ni Aizer?" tanong ni Rowen habang iwinawasiwas ang malaki niyang pamaypay.

Sinasabi ko na nga ba. It's about me and Aizer.

Simula ng maging item kami ni Aizer sa university, halos araw-araw ng nakikibalita samin ang mga ito. Gusto nilang maging updated sa nangyayari samin. Ang totoo nga niyan, itong mga usisera kong mga claasmate ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng fans club ni Aizer.

O diba san ka pa? Tinalo pa namin ang ibang sikat na loveteam dito sa university. Kasi kami lang daw ni Aizer ang may fans club.

Ibang klase talaga itong mga kaklase ko. Sabi kasi nila suportado nila kami. Gusto raw kasi nila si Aizer para sakin. At dahil ngayon lang daw ako nagkalove-life, todo talaga ang ibibigay nilang suporta sa akin. Minsan pa nga binibigyan nila ako ng tips kung paano pa lalo maiinlove sakin si Aizer.

" So ano na? Iilingan mo na lang kami Charity, ganon?" nakataas na kilay na tanong ni Rowen.

Natawa ako ng bahagya. " Kayo talaga, masyado kayong usisero. Pwede bang humingi ng privacy?" tanong ko.

" Wow Charity! Big word! PRIVACY!" sabat naman ni Jasper sa likuran ko.

" Sorry Baby Chari...masyadong mabigat yang hinihingi mo," sabi naman ni Erik sa pinaarteng salita.

" Mag share ka na kasi Charity. So ano, kayo na?" tanong ulit ni Rowen.

Ito talagang dalawang mag bff na to..pag nagsama, wala talaga akong kawala.

Kaya sige na nga...tutal naman suportado nila ko, hindi ko ipagdadamot ang hinihingi nila.

" Para sa ikatatahimik niyo,..." tiningnan ko muna silang lahat at nagkaroon ng sandaling katahimikan.

" Hindi pa kami...OKAY?" pagpapatuloy ka.

"haaay!"

"Yes!"

" Sabi ko na eh!"

Sabay-sabay na sabi ng mga ito. Nagtataka naman akong napatingin sa kanilang lahat. Parang nakahinga ang iba sa kanila ng maluwag sa sagot ko.

Anong meron? Nagtataka kong tanong.

" E kailan mo siya balak sagutin?" tanong naman ni Erik.

" Hindi ko alam," mabilis kong sagot sa kanya.

" Tama lang yan Charity. Wag mo munang sagutin si Aizer. Patagalin mo muna. Tingnan natin kung hanggang kalian siya tatagal," sabat naman ni Jasper.

" Don't worry classmates...kayo ang unang makakaalam kapg sasagutin ko na siya..okay?" tanging nasabi ko sa kanila.

Grabe talaga tong mga classmate ko. Ginawa ng teleserye ang love story namin ni Aizer. Mas interesado pa sila sa mangyayari samin kesa sa love team ng ALDUB. Wala talaga kong masabi.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon