Chapter 2~ Meet and greet the others :)

156 10 1
                                    

Chapter Two

“ Mang Nards pa-photocopy naman po,” sabay abot dito ng hawak kong libro. Magmi-midterm na naman kasi. Kaya kinakailangan ko ng mag-review.

“ Charity! Bakit ngayon ka lang ulit nagawi dito, ha?” tanong nito sa akin.

Napangiti ako. “ Bakit namimiss nyo na po ba ‘ko?”

“ Aba’y miss ka na ng asawa ko. Lagi ka niyang tinatanong sa’kin. Namimiss na niya yata ang kadaldalan  mo,” sagot ni Mang Nards habang pininpindot ang Xerox machine.

“ Grabe naman po kayo Mang Nards. Hindi naman po ako madaldal ah.  Dalagang Pilipina po kaya ako. Tahimik at mahinhin lang po ako,” pagbibiro ko sa matanda.

Natawa siya ng malakas. “ Hay nako Charity! Kaya lalo kang hinahanap ng asawa ko e,” iiling iling na wika pa nito.

Sa tantiya ko ay nasa 60 na ang edad nito. Maliban sa pagxe-xerox ay may mga school supply ding tinda ito. Katulong nito sa pagtitinda ang retired teacher na asawa nitong si Ma’am Carmen. Mam ang tawag ko sa asawa nito dahil nga retired teacher. Sa totoo lang ay di naman talaga kami magkakakilala dati.. Isa lamang akong hamak na suki ni Mang Nards sa pagpapa photocopy. At dahil nga madalas akong magpa photocopy ditto, naging familiar na ang mukha ko sa kanila. Nagsimula lang kami sa patanong-tanong ni Ma’am Carmen sakin kung ilang taon na raw ako, anong pangalan ko, ano raw ang course ko, anong year na ko at kung ano-ano pa. Hindi naman ako nainformed na bio-data pala ang gusto nitong si Ma’am Carmen sakin. Haha! Pero sa totoo lang, likas talagang madaldal at matanong itong si Ma’am Carmen. Hanggang sa pagnagagawi ako dito sa tindahan nila, nagkukwentuhan at nagbibiruan na kami.

“ Nardo sino bang kausap mo diyan? Si Charity na ba yan?” Ito na nga si Ma’am Carmen. Lumabas ito mula sa maliit na kwarto. Siguro ay silid pahingahan nila iyon. Siguro’y narinig nito ang pag-uusap namin ni Mang Nards kaya lumabas ng kwarto.

“ Hi Ma’am Carmen! Miss nyo na raw po ako?” masiglang bati ko sa kanya.

“ Ay nako Charity! Bakit ngayon ka lang nagawi ulit dito? May ipapakilala pa naman ako sayo,” sabi nito na tila sabik na sabik sa pagkukwento sakin.

Pinaikot ko ang mga mata ko. Eto na naman po kami. Kukulitin na naman ako nito tungkol sa pagbo-boyfriend. Hindi ko ba nasabi na si Ma’am Carmen ang isa lang naman sa milyon-milyong taong kakilala ko na kumukulit sakin na dapat magkaroon na raw ako ng boyfriend! Ay talaga naman!

“ Sino naman po yan ma’am? Mayaman ba yan?” biro ko sa kanya.

Natawa ang mag-asawa. “Ay nako Charity! Hindi lang ito mayaman, gwapo pa! Naku sayang! Hindi kayo nag-abot. Kakaalis lang niya e!” Napapailing pang sabi nito. Halata sa mukha nito ang panghihinayang. “ Kung nagpang-abot kayo, malamang nagkaboyfriend ka na kanina pa!” sabi pa nito.

“ Hahaha! Ma’am Carmen naman e! Yan ang gusto ko sa inyo. Supportive much sa pagkakaroon ko ng boyfriend! “

“ Dapat lang talaga na magka boyfriend ka ng bata ka noh! Sayang naman ang ganda mo. Fourth year college ka na. Dapat magkaboyfriend ka na bago ka pa sumabak sa buhay ng pagtuturo. Mahirap na! Baka tumandang dalaga ka niyan. Sige ka!” sabi pa nito.

“ Huuu! Kaya pala hindi mo na ‘ko pinakawalan nung pagka-graduate mo! Akala ko pa naman humaling na humaling ka sa akin kaya inaya mo na kong pakasalan ka,” pagbibiro ni Mang Nards dito sabay kindat sa akin.

Napangiti ako. Kahit ang tagal na nilang magkasama hindi pa rin nawawala ang spark sa kanila. Lord sana ako rin. Kapag nagkaboyfriend ako, gusto  ko pakikiligin niya rin ako ah!piping dasal ko.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon