Chapter 1: Know Me First :)

470 13 3
                                    

Goodmorning everyone! Ako nga pala si Charity Buenavidez. 20, single and ready to mingle. Plus the fact that I’m smart, pretty, gorgeous, lovely, adorable, desirable…lahat na ng positive adjectives, name it…meron ako niyan!  Yun nga lang…medyo ako lang at ang mga taong close ko ang nakakakita at nakakaalam niyan.  Ehem!

At present, I’m a graduating student. I'm taking up Bachelor of Elementary Education .   And I’m studying at Buenafox University or in short BF University, the most prestigious  university in the country. Maliban pa sa katotohanang ito ang  pinakamayaman at pinakatitingalang unibersidad. O… iniisip niyo sigurong mayaman ako noh?!! Actually, mukha lang akong mayaman. Pero  ang totoo niyan, ako’y simpleng mamamayan lang na may simpleng buhay. My family may not be rich in money, pero mayaman kami sa medalya.  O diba! Kaya nga ko nakapasok sa university na ito eh. Scholar nila ko.

And I will make this as a key to achieve my dreams. And this keeps me going. And if this  keeps me going, I should fight! Fight! Fight! Yan ang motto ko sa buhay.

Ang daldal ko ba? Masanay na kayo ah!:)

And speaking of buhay…aaaay! Today is another day na naman. I got up from the bed and started to do some stretching para magising ang kalamnan ko. I also turned on my cd player to listen to some of my favourite music. At habang tumutugtog iyon, sinabayan ko na ng stretching.

If you’re not the one then why does my soul feel glad today…

If you’re not the one then why does my hand fit yours this way…

I closed my eyes and feel the music. And then I immediately think of something that could make me smile to to start my day full of positive energy. Ganito lagi ang morning rituals ko. Itong kanta na ‘to ang gusto kong pampa good vibes sa umaga.  Kahit na wala siyang kakonek-konek sa page-excercise ko, ito ang kantang gusto kong marinig sa umaga. Feeling ko kasi para sa’kin ang kantang ‘to. Kapag pinapakinggan ko ‘to…I always imagine this saying to  my future love.  While listening to this music, lagi kong dine-day dream na hawak-hawak niya ko… hinahapit niya ang bewang ko…

If you’re not the one then why do I dream of me, as your wife…

And slowly…inch by inch…  he’s face is moving closer…to kiss---

“ Hoy Charity! Ano na naman yang ginagawa mo? May panguso-nguso ka pa!” nakangising saad ng dakilang istorbo sa umaga ko.

Napadilat ako bigla at inayos ang itsura ng mukha ko. Hindi ko namalayang nakanguso na pala ako. Pinaningkitan ko ng mata ang taong umistorbo sa morning ritual ko.

“ Hoy  agurang! Hindi ka ba marunong kumatok?” inis na saad ko sa kuya ko.

“ E di kung kumatok ako, hindi kita mahuhuli na nakanguso na kala mo naman may hinahalikan. Mmmmm…mmm” Nang-aasar na ginaya-gaya pa nito ang panguso-nguso  ko  at may papikit-pikit pa.

Binato ko siya ng unan sa sobrang inis ko. Sabay sigaw sa kanya.  “ Umalis ka na nga!”

Ngunit hindi rin naman siya tinamaan dahil agad niya itong nasalag. Patawa-tawa na ibinato niya lang ulit ito sa akin at nang-aasar na inulit muli ang panguso-nguso nito bago tuluyang umalis sa pinto ng kwarto ko. . “Mmmmm…mmmm…” At tumatawang umalis na nga ito.

Nakairap na dinampot ko ang unan ko. Ang aga talaga nitong mang inis.  Nakakabwiset!

Siya nga pala, yun ang kuya ko.  Si Kuya Cham. Tatlong taon ang tanda niya sa’kin.  Agurang ang tawag ko sa kanya at hindi kuya.  Term of endearment with pang-aasar yun. I love teasing him kasi. Actually, we love teasing and bullying each other. Pero actually, parang lambingan na lang namin ang pang-aasar sa isa’t isa.

“ MA, si Charity nagdi-daydream na naman,” sumbong ni agurang ng makaupo ako sa harap ng hapag kainan para mag almusal.

Tiningnan ko siya ng masama. Kahit kelan talaga tong agurang na to e! “ E ano naman sayo ngayon? Inggit ka?” pagtataray ko sa kanya.

“ O! Ang aga-aga! Tigilan mo muna ang kapatid mo Cham!” singit ni mama.

Binelatan ko si kuya. Sabay kuha ng itlog para ipalaman sa tinapay.

“ Anong bago sa ginagawa niya. Alam na nating lahat yan,” biglang saad ni mama.

“ Ma!” pakli ko. Akala ko pa naman nasa side ko si mama. Sabay tumawa sila ni agurang.

“ Kawawang Charity! Hanggang daydream na lang ang pagkaka boyfriend,” iiling- iling  na pinalungkot nito ang mukha. Halatang nang-aasar talaga.

“ Huh! Maghintay ka! Pag ako nagka boyfriend, mata mo lang ang walang latay!” sagot ko dito.

“ O! Anu yang naririnig ko na boypren boypren na yan?!” tanong ni papa na kabababa lang ng hagdan. Halatang bagong paligo ito. Umupo ito at nakisalo na rin sa almusal.

“ Si agurang kasi e! Nang-aasar na naman!” pagsusumbong ko kay papa.

“ Oy Cham tigilan mo na yang kapatid mo  ah! Alam na ng buong bayan na hindi pa nagkaka-boypren yan. Maghanap ka naman ng bagong ibabalita,” sabi nito kay agurang! At ang lakas ng tawa ng mga ito!

“Pa! Pati ba naman ikaw?” nakasimangot na ako. “ Hmmpf! Pinagtutulungan niyo ko. Pag ako talaga nagka-boyfriend…”

Alam ko, niloloko na naman nila ‘ko. Ako talaga ang favourite nilang asarin ditto sa bahay. At syempre, ang hindi ko pa pagkakaroon ng boyfriend ang lagi nilang inaasar sa’kin.

“ E pa’no ka magkakaboyfriend, wala namang nagkakagusto sayo!” tumatawang  pambubuska ni agurang.

“ Huh! Sinong may sabi sayong walang nagkakagusto sakin? Sa ganda kong ‘to?” sabay turo ko sa mukha ko. “ Huh! Kahit nga si Mang Kanor na nagtitinda ng fishball crush ako e!” sabay kagat sa tinapay ko ng marahas.

“ Di na ko magtataka dun sis! Kasi yung beauty mo patok talaga  lalo na kay Kaloy na drug addict!” tumatawang buska ni agurang sakin.

“ At si Tonyong kapitbahay natin na may baktol!” dagdag pa ni mama na lalong ikinatawa ni agurang.

“ Lalo naman si Lolong na may alipunga, aba’y crush na crush ka talaga nun nak!” dagdag din ni papa na lalong ikinatawa nilang lahat.  Lalo na si agurang! Halos mamilipit na ang tiyan sa kakatawa at mangiyak-ngiyak pa.

Ngumungusong inirapan ko silang lahat. “ Sige, ganyan kayo! Ang saya-saya niyo na naman dahil sa’kin. Pagdating talaga sa lovelife ko, buhay na buhay ang dugo ninyo sa panglalait sakin,” kunwari’y nagtatampo kong saad sa kanila. Tumingin akong muli sa kanila. Halos lahat talaga sila ay di mapigilan ang tawa. I rolled my eyes. Hanggang kelan kaya magiging issue ang di ko pa pagkakaroon ng boyfriend sa kanila? Tanong ko sa sarili ko. Palibhasa alam nilang gusto ko ng maranasang magka boyfriend.

Napansin yata ng mga ito na nakasimangot na ako kung kaya’t pinilit nan g mga ito ang magseryoso.

“ Hayaan mo nak, darating din ang lalaking para sayo,” biglang sabi ni papa na pilit pinaseryoso ang mukha. Halatang pinipigilan lang nito ang pagtawa.

“ Ay nako Charity! Tama ang papa mo. Wag mong gayahin tong kuya mo na lingo-linggo iba –iba ang girlfriend!” sabay irap ni mama dito.

“ O, ba’t sakin bigla nalipat ang usapan?” reklamo ni agurang.

Inirapan ko siya at nginisihan ng nakakaasar.

Buti nga! sa isip isip ko. At ipinagpatuloy na naming ang pagkain.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon