Chapter 33

11 1 0
                                    


CHARITY'S POV

Instead of going to Aizer's house, dumiretso na lang muna ako dito sa university. Sa Monday ko na lang siguro pupuntahan si Aizer. Promise na talaga yan. Pero sa ngayon pupunta muna ko ng Wordsmith para gawin ang isa kong article na kailangan kong ihabol para sa nalalapit na release ng 1st magazine bago matapos ang sembreak.

Haaaay, hectic ang sched. Nakokonsensya ako dahil hindi ko mabigyan ng time si Aizer. Samantalang siya todo ang effort at kulit makita lang ako.

Haaaay! Ano bay an Charity! Puro na lang si Aizer ang laman ng isip mo! Porket lumalove life!!!

Ewan ko sayo isip! Wala kang pake!

Eh! Ano ba 'to? Nakakasira naman ng ulo tong ginagawa ko! Gusto ko ng kausaaaaaaaaaaap!!!

" Aray!" bulalas ko. Nabunggo kasi ako ng kung sinuman ang bumunggo sa akin.

I'm walking along the hallway at akala ko ako lang ang nandito.

" Oooops! Sorry Miss! Hindi kita napansin!" sabi ng kung sino.

Tumingala ako upang makita ko ang pinanggalingan ng panlalaking boses na iyon.

" Sorry talaga," hingi niya ulit ng pasensiya.

" Sa luwag ng daanang 'to, nabunggo mo pa talaga ko ah!" hindi naman ako galit, I'm just being sarcastic.

Saglit kong napagmasdan ang lalaking nasa harap ko. Infairness, fresh face. Matangkad at broad ang shoulders. Hmmmm.... May itsura. Paniguradong may bagong pagkakaguluhan na naman ang BF University.

" Teka, bago ka dito?" hindi ko napigilang itanong.

"Yup!" Habang kamot-kamot ang ulo niya. Ang cute niya. " Hinahanap ko kasi ang registrar para kuhanin ang class schedule ko,"

" Anong year mo na ba?"

" Actually, first year pa lang ako e," sagot niya.

Napakunot ang noo ko. " Ha?" He looked mature para maging first year pa lang.

Pero parang nabasa niya ang iniisp ko kaya naman sinagot na nya ang nagtatakang tingin ko.

" Nag-stop kasi ako ng three years. Dahil medyo short kami sa pera. Alam mo naman ang buhay ngayon diba, medyo mahirap. Scholar ako ng BF University. Actually working student ako," pag e-explain niya.

" Ahh!" tumatango-tangong reaction ko. In fairness nakaka-proud naman 'to si kuya. Working student. Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa mga sinabi niya.

" Patrick nga pala," sabay lahad ng kamay niya sakin.

Nakangiti namang tinaggap ko iyon. " Charity. Fourth year student. Isa rin ako sa mga scholar ng BF University."

" Wow! At least hindi ako nag-iisa," nakangiting saad niya habang nagsha-shake hands kami.

" So pa'no Mark, una na ko? See you around na lang?" paalam ko.

" Yeah, see you around. And nice meeting you," nakangiting sagot niya.

" Same here. Kung may kailangan ka, hanapin mo lang ako. Sikat ako dito," pagbibiro ko.

Pareho kaming natawa dahil dun.

Matapos ang paalamanan, dumiretso na ako ng Wordsmith. May feeling ako na magiging magkasundo at magkaclose kami ni Mark. Siguro dahil pareho kaming iskolar. Natutuwa ako dahil hindi niya hinayaang hindi siya makatuntong ng kolehiyo. Haaaay.

Dahil dyan, inumpisahan ko ng gumawa ng may ngiti sa mga labi.

*LUNES*

BF UNIVERSITY

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon