Untitled Part 24

47 5 0
                                    

Charity's POV


Sabado. Walang pasok.


Eh? Malamang?


Katatapos ko lang maligo pero ayoko pang lumabas ng kwarto ko.


Ang aga-aga kong gumising dahil sa totoo lang, kinakabahan ako. Para akong najejebs na masusuka habang tumatambol ang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko na pupunta si Aizer dito mamayang lunch.


Hindi ko pa nasasabi kina mama at papa na may isang Aizer na pupunta dito.

Charity, ipapakilala mo lang naman siya! Sabi ng isip ko.


Pero ang tanong ko naman sa isip ko, anong pagpapakilala ang sasabihin ko?


Ahmm... ma, pa, si Aizer po, ka M.U ko


Eehh... hindi-hindi! Baka mabatukan ako ng nanay ko.


Ganito na lang. Ahm... ma, pa, si Aizer po. Manliligaw ko daw po.


Daw? Bakit may daw pa!! Ano ba yan Charity!


Waaaaaaah!!! Mababaliw na ko! Ano ng gagawin ko!!! Papaano ko 'to sasabhin kina mama at papa!!!


" Hoy Charity kakain na!!" narinig kong sigaw ni kuya Cham habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.


" Ha? Ah..O sige bababa na ko!"


" Bilisan mo ah!" sigaw pa nito!


Hindi ko na lamang siya pinansin at humarap na lang ako sa salamin.


Juice ko Looooord! Kayo na pong bahala sakin mamaya. Sana'y masabi ko to ng maayos! Panalangin ko.


Sinampal-sampal ko pa ng mahina ang mukha ko para kahit papaano ay kumalma ako.


" Relax Charity!! Kalma ka lang! Okay? May dadalaw lang. Kaya wag kang OA!" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago umalis sa harap ng salamin.


*****BREAKFAST*******

" O Charity, umupo ka na! Inuubusan ka na ng kuya mo sa itlog," tawag sakin ni mama habang pababa ako ng hagdan.


Ako na lang pala ang kulang kaya naman tahimik na umupo na lang ako sa pwesto ko at naglagay ng kanin sa plato ko.


" Okay ka lang ba anak?" tanong sakin ni papa.


" Po? O-opo. Naligo na po ako!" atubiling sagot ko.


Kunot-noong tumingin sa akin si papa. " Ha? Ang tinatanong ko kung okay ka, hindi kung naligo ka na."

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon