Chapter 18~ #CharityProblem

69 4 0
                                    

“ Huy friend, puyat ka?” tanong sakin ni Gladys nung pagkatapos kong maghikab. As usual, nasa wordsmith na naman kami at nag e-edit ng mga article. Inuunti-unti ko na ang mga information na nakalap ko kay Aizer. Malapit ko ng matapos ang interview ko sa kanya. Ilang informations na lang, pwede ko ng maisubmit ang article ko tungkol sa kanya.

“ Hmmm….medyo,” sagot ko. Sumandal ako sa kinauupuan ko at saglit na ipinikit ang aking mga mata.

“ Inaantok ka nga!” pagco-confirm nito. “ Anong pinagpuyatan mo?” nagtatakang tanong ni Gladys sa akin.

“ Wala naman. Pagod lang siguro,” nakasimangot na sagot ko sa kanya. Hinimas ko ang sentido ko para kahit papano mawala ang puyat ko. Ang totoo kasalanan ito ni Aizer.

Oo na! Si Aizer talaga ang iniisip ko kagabi kaya puyat ako. Hindi ko rin alam kung bakit sya bigla ang nagging laman ng isip ko e. Binalikan ko lang naman yung mga nangyari samin kahapon sa mall hanggang sa ihatid nya ko sa bahay.

Ang totoo, nalilito kasi ako. The way he treats me, parang may something. Ayokong mag assume, pero kasi sa mga ginagawi nya pag magkasama kaming dalawa, parang Gawain lang ng nanliligaw ang ginagawa nya. Inaakbayan nya ko, he grabs every chance to get near me, to get close to me, to hold my hand, to accompany me. Sinusundo nya rin ako sa klase ko and lastly hinatid nya naman ako sa bahay and he wants to meet my family. O diba, sino ba namang hindi mag-aassume?

“ Huy! Naglalakbay ka na naman!  Yung totoo Charity, okay ka lang?” pagbabalik sakin ni Gladys sa katinuan ko.

Napapailing akong tumingin sa kanya. Sasabihin ko ba sa bestfriend ko ang naiisip ko?

“ Charity, sabihin mo na. I know you. Spill it out.”

Huminga muna ako ng malalim at nag-isip ng tamang word para simulang sabihin ang nasa isip ko.

“ Ganito kasi yun friend, umm… what do you think of Aizer?” panimula ko.

Saglit na nag-isip ito. “ Hmmm…he’s nice aside from being soooo gwapo,” nakangiting sagot nito.

“ What I mean… anong napapansin mo sa kanya kapag nakikita mong magkasama kaming dalawa? Mukha bang may something?” mahinang tanong ko sa kanya. Sadyang hininaan ko talaga dahil nakakahiya kapag may nakarinig.

“ Oh my gosh friend! Nakikitaan mo na ba sya ng mga sign? Napapansin mo na yung something sa inyo kapag magkasama kayo?” nanlalaki ang mga mata nito habang malapad ang pagkakangiti nito.

“ Psshh..hinaan mo yung boses mo!” saway ko sa kanya. “ So parang may something nga samin pag magkasama kami?” nagwoworry na tanong ko.

                                             
“ What’s with that face, girl? Ayaw mo pa ba? Choosy ka pa?”

Iningusan ko sya. “ Hindi sa ganon. Kaya lang,ano yung mga napapansin mong something samin kapag kami ang magkasama?” tanong ko.

“ Girl, he looks like he has a crush on you! Wait no! Masyadong mababaw ang crush. I think he likes you!”

Lalo lang lumalim ang pagkakakunot sa noo ko.

Napansin yata nito na medyo naguguluhan ako sa sinabi nya kaya naman  pinagpatuloy nya ang sinabi nya. “ Girl, nakikitaan mo ba sya ng mga sign na he likes you?”

Bahagyang tumango ako. “ Pero ayokong mag assume. Pa’no kung ganun lang talaga sya? Pa’no kung ganun din ang ginagawa nya sa iba? Pano kung hi----“

“ Friend! Kalma lang. Okay?” pigil sakin ni Gladys.

“ E anong gagawin ko, Gladz? Paano ko maco-confirm itong hinala natin? Hindi ako matahimik!”

Dahil kinikilig ka. Aminiiiin!

Hindi ko muna pinansin ang sinasabi ng isip ko.

“ The only way to find out kung tama ang hinala natin, you have to ask him!” simpleng sagot nito.

I rolled my eyes at her. “ Para namang ang dali nun?” reklamo ko.

“ Pasimple mong itanong sa kanya! Daanin mo sa joke, friend! Remember, yan ang forte mo!” sagot nito.

Sinimangutan ko sya at nanghihinang isinandig muli ang likod ko sa sandalan ng upuan ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko at sinimulang pag-isipan kung kaya ko bang gawin ang suggestion sakin ni Gladys.

At parang nabasa nga nya ang nasa isip ko.

“ Trust me friend. For you to have a peace of mind, you have to ask him. There’s no other way for you to know what you want to know. It’s his feelings after all. Si Aizer lang ang makakapag confirm sayo ng nasa isip mo.”

Tiningnan ko lang sya at kiming nginitian. Napahugot ako ng hininga.

Bahala na nga si Batman! Mangyari na ang dapat mangyari!

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon