Chapter 5- #Not Gonna Give Up

88 11 0
                                    

Maaga pa lang nandito na ko nakatambay sa mismong harap ng office of the president. Bakit?  Syempre, hinihintay dumating ang prinsipe.  Alam kong pupunta ulit siya dito sa university ngayon. Paano? Syempre, hiningi  ko kay Ms. Carol ang one month schedule niya bago ako tuluyang lumabas ng building na ito kahapon. Para naman hindi masayang ang pagpunta ko. Talino ko noh?! J Well!

Anyway, habang naghihintay sa kanya, inaliw ko muna ang sarili ko. Sumandal ako sa pader sa tapat ng mesa ni Ms. Carol.

 Sipol doon, sipol dito.

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

Tingin sa taas. Tingin sa baba.

Titig sa vase na wala namang laman.

Binilang ang paa ng mesa ni Ms. Carol.

 Naghanap ng mga agiw sa kisame kahit wala namang makita.

Nagbilang ng mga langgam na dadaan sa sahig.

Ng biglang…ting! Narinig ko ang elevator. Ibig sabihin lang may dumating. Umayos na ko ng tayo at medyo inayos ko rin ang maganda kong uniform na medyo nagusot na rin.

  Sigurado, siya na yan!

At hindi nga ko nagkamali. Finally! Dumating din! Sabi ko sa isip ko.

 A tall, dark and handsome man,  wearing a red branded polo shirt and pants that really made him look so yummy is now walking on my way. And hmmm… mukha ring mabango J

At para matapatan ko naman ang pagkamagandang nilalang niya, I flashed my one-million dollar smile habang papalapit na siya sa direksiyon ko.

 “Good morning!” masiglang  bati ko.

Pero parang nananadya, nagtuloy-tuloy lang talaga siya sa paglalakad.

And because of that, naningkit bigla ang mata ko at parang gustong umusok ng mga tenga ko.

 Grrrr…  (;/)

 Aba teka nga! Kahapon pa‘to ah!  I unconsciously crossed my arms at humarap sa naglalakad niyang malapad na likod.

“ Hoy sabi ko good morning!” sinabi ko yun sa paraang hindi naman sumisigaw. Sinigurado ko lang na maririnig niya.

At hindi nga ko nabigo. Lumingon din siya. I rolled my eyes. “ Bingi ka ba o talagang nananadya ka lang?”

“ Ha?”

Ay bingi nga! Asaaaar! “ Kanina pa ko naghihintay dito tapos HA lang ang sasabihin mo? Ang ganda-ganda ng pagkakabati ko sayo tapos dededmahin mo lang ako?” pagtataray ko. Kaylangan talaga nitong makatikim sa’kin eh!

“ Ahm…excuse me? Who told you to wait? Do I know you? At kung ang ikinakagalit mo ay yung hindi ko pagpansin sa bati mo…” yan na naman. Tiningnan niya muna ko mula ulo hanggang paa bago niya tapusin ang sentence niya. “ hindi kasi kita napansin,” pagtatapos niya and obviously with sarcasm.

Alam kong tinutukoy niya ang height ko. Maliit lang kasi ako. Pero hindi ako kasinliit ng langgam para hindi niya ko mapansin! “ Hoy! Alam kong maliit ako. Pero natabunan na yun ng kagandahan ko kaya imposibleng hindi mo ako mapansin!”

He smiled sarcastically. “ Oh I’m sorry. But you’re beauty is not enough for me to notice you.”

Ouch! Ininsulto na nga ang height ko, pati ba naman ang kagandahan ko? Daig ko pa ang sinampal. Aba’t talagang iniinis ako nito ah! Antipatikong lalaking ‘to!

Readers, pigilan niyo ko! Masasapok ko na ‘tong gwapong ‘to!

Gwapo?!! Wait! Wait! Wait! Charity iniinsulto ka na nga, gwapo pa rin ang description mo diyan?!  Kastigo ko sa sarili ko.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon