Chapter 25- Holding Hands Under the Table (HHUTT)

51 5 0
                                    

PART I


11:25 na.


11:30 ang usapan namin na pupunta siya sa bahay.


Habang lumalapit ang oras, lalo akong kinakabahan. Ewan ko ba kung bakit kabang-kaba ako at hindi ako mapakali. Kaya para kahit papano mabawasan ang kabang nararamdaman ko, tinulungan ko na lamang si mama sa pagluluto kanina. At ngayon ay naghahain na kami sa lamesa.

5 minutes na lang. Hindi naman siguro siya male-late.


Wag kang ma-tense Charity! Relax okay! Mairaraos mo rin ng masaya at matagumpay ang araw na 'to.


" Ano, wala pa ba? Inindian ka na yata nun Charity eh!" pang-aasar na naman ni agurang.


Kelan ba tatahimik at titigil sa pang-aasar to? Mas lalo tuloy akong kinakabahan dahil nandito to. Baka mamaya kung ano-ano ang sabihin nito kay Aizer, nakakahiya!


"Tsss...maghintay ka! Nagpabango ka na ba?" nang-aasar na lang na tanong ko.


" Tsss...di na kailangan noh! Pawis ko nga lang mabango na eh!" sagot naman niya.


Iningusan ko na lamang siya. " Umayos ka pagdating nun ah! Magpakatao mode ka kahit sandal lang!" paalala ko pa sa kanya.


" Hmmm...depende!" sagot ulit nito na halatang nag-aasar.


" Depende saan?" tanong ko.


" depende kung magiging mabait ka sakin," nangingiting turan nito.


" Aba't!" hahampasin ko na sana ito kaya lang ay sumigaw si papa galing sa sala. Nasa kusina kasi kami at naghahanda na.


" Charity nandito na pala ang bisita mo!" sabi ni papa.

Bigla akong napatingin sa orasan. 11:30. Sakto ang oras.  Good.


Nagkatinginan kami bigla ni agurang.  Nginisihan niya ko ng nakakaloko at binigyan niya ako ng humanda-ka-sakin0ngayong tingin. Sabay alis nito at nagmamadaling pumunta sa sala.

Dali-dali rin akong sumunod, pero tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Very good! Ang ganda ko! Napapangiting puri ko sa sarili ko. Pagkatapos ay smunod na ako sa sala.



****SALA*****


" HI Charity!" nakangiting bati sakin ni Aizer.


Gwapong-gwapo ito sa suot nitong maong pants na tinernuhan  naman ng black checkered na polo. Litaw na litaw ang pagka-manly nito. Narinig kong napasinghap ng mahina si mama pagkakkita dito. Marahil ay hindi rin nito inaakala na gwapo ito. Napangiti ako ng lihim. Tiningnan ko ng pasimple si agurang. Napatingin din siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at  binigyan ng ano-ka-ngayong-tingin.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon