Chapter 7- Operation: Aizer!

81 11 0
                                    

A beautiful Wednesday morning for a beautiful young lady like me!

Na-sense niyo ba yung pagkakaroon ko ng good vibes?

Natapos na kc ang midterm namin eh. And aside from that nasa publishing department na rin ang newspaper and magazine na ire-release namin ngayong first sem.  Kaya magaan na naman ang araw ko.

At ngayon na ang itinakdang araw para umpisahan na ang pagpapa-oo ko kay Aizer Buenafox.

Ito ang tinatawag kong: Operation: Aizer!  (day 1)

Huh!

Nasa harap ako ngayon ng salamin ng aking munting kwarto. Sinusuklay ang mahaba at wavy kong buhok na sa dulo lang naman talaga ang pagiging kulot. ( Natural yan! Ummm!) Inipon ko silang lahat at ipwinesto sa may right side ko. Nilagyan ng tali, inayos ang bangs ko, nag-spray ng pabango sa buong katawan at ting! Sa muling sulyap ko sa reflection ko sa salamin, gumanda lalo ako. :)

“ Aja Charity! Aja!” pang chi-cheer ko sa sarili ko bago ako tuluyang umalis ng bahay at pumasok sa eskwelahan.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

BF University                               

( Buenafox Building)

“ Hi Aizer! Going somewhere?”  nakangiting salubong  ko sa kanya habang nakaupo ako sa visitor’s area ng BF Building.

May tatlong sofa doon at center table na kung saan may magazine na nakapatong .

Tiniklop ko ang magazine na hawak-hawak ko at ibinalik sa mesa. Tumayo ako at nginitian ng ubod ng tamis ang lalaking anak yata ng isang greek god .

Ang gwapo talaga nito. Lord pag ako nagka boyfriend, pwede po ba yung ganito kagwapo? Yum! Yum! Yum e!

“ What are you doing here?” he said sounds irritated  while giving me a-you-again look.

Mukha talagang hindi ito masayang makita ako ah.

But anyway, I gave him my cutest smile.

Like this. ^_^

Me: Tinatanong pa ba yan?

Him: I already gave you my answer.

I crossed my arms. I made a charming face look para mas effective.

Me: Saaarey! Makulit ako eh.  Hindi ako tumatanggap ng NO.

He rolled his eyes.

I gave him my charming smile.

And then he turn his back. At naglakad talaga paalis.

Syempre, bilang makulit ako, sinundan ko pa rin siya at sinabayan sa paglalakad.

Me: So kailan tayo mag i-start ng interview?

Him: Never!

Me: Uy bago yun ah! Anong araw yung never?

Him: In my never world.

Me: San yun? Sasama mo ba ko dun? Kelan?

Him: In my never time.

Me: Ang sweet mo pala noh? May girlfriend ka? Ilan? Kasingganda ko ba sila? May picture ka ba nila? Patingin nga! Baka na--- Aray!

Sa kakatanong ko, hindi ko namalayang huminto pala siya sa paglalakad at nabunggo tuloy ako sa malapad niyang chest. Nakaharap na pala siya sa akin.

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon