CHAPTER 34- LOVE OR FRIENDSHIP??? :)

13 0 0
                                    

7 PM.

Gladys calling...

" Yes Gladz?" sagot ko sa tawag niya.

" nasaan ka?" naiiyak niyang tanong sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko dahil sa tono ng boses niya. " Hey...are you alright? Nasa Wordsmith ako ngayon. Pauwi na," nag-aalala ko namang sagot .

" Pwede mo ba kong puntahan ngayon dito sa bahay? Kailangan ko kasi ng makakausap eh," sagot naman niya sa kabilang linya.

" Wait, umiiyak ka ba? Anong nangyari?" puno na talaga ko ng pag-aalala. Kaya naman dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko at pinatay ang computer na nasa harapan ko. Isinukbit ko na ang bag ko at dali-dali ng lumabas sa Wordsmith habang kausap ko pa si Gladys sa kabilang linya.

" Just come here," tanging naisagot niya.

" Okay,okay. Don't worry papunta na ko," agad kong sagot sa kanya.

Mabilis akong naglakad hanggang sa makalabas na ko ng gate ng university. Madilim na ngunit madami pa rin akong mga kasabayang estudyante. Papara na sana ko ng jeep ng may mapansin akong pamilyar na kotse na nakapark sa tabi at ng masinagan ng ilaw ng jeep ang kotseng iyon ay rumehistro doon ang sakay sa loob niyon.

"Aizer? " mahinang bulong ko.

Shit! Oo nga pala...nakalimutan kong pinapupunta pala ako ng mga kaibigan niya sa bahay nila. Sinusundo ba niya ko?

Naglakad ako palapit sa sasakyan niya. Ang alam ko kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sasabhing hindi ako makakasama sa kanya.

Ng makalapit na ko ay kinatok ko ang bintana ng sasakyan niya. Ibinaba naman niya ito at yumukod ako upang makita ko siya sa loob niyon.

" Hi!" tanging nasabi ko. Kulang sa sigla ang bati ko.

" Hi! Going home?" tanong niya. Nakangiti siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Ummm..yes!" tipid kong sagot. Kimi lang din ang pagkakangiti ko.

" Hey, can you come with me for a while?" mahina niyang tanong. " I prepared simple dinner for us."

Hesitant akong ngumiti sa kanya. " Aizer...I can't right now. Gladys needs me. Pupuntahan ko siya,"nahihiyang sagot ko sa kanya.

A silent moment for a while. Wala munang kumibo sa aming dalawa.

Pero maya-maya lang...

" Okay," sabi niya. Ngumiti siya but I can see that there is sadness in his eyes.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt. I know he don't deserve this because he's doing all the effort to be with me. And yet, here I am, parati na lang tumatanggi dahil may mas importante pang bagay kaysa sa kanya.

" I just missed you,that's all. But if you can't come, its okay. I understand." He gave me an understanding look.

" Sorry Aizer. Kailangan lang talaga niya ko. Babawi ako, I promise," mahina kong saad sa kanya. And I gave him a promising look.

He just nod and it's obvious that he's sad. He started to start the car. " Bye,ingat." He said and start running it.

" Bye!" mahinang sagot ko habang nakatingin sa papalayo niyang sasakyan.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Pilit ko mang itanim sa isip ko na naiintindihan ako ni Aizer, pero mas nangingibabaw pa rin yung katotohanang napalungkot ko siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot. Sa sarili ko at sa kanya.

Paano kami magwo-work nito kung siya lang lagi ang nag e-effort sa aming dalawa. I always prioritize somebody else than him. To think na lagi kong sinasabi sa sarili kong babawi ako sa kanya.

Yes nakaka guilty! And it sucks! Iiling-iling na naglakad na kong muli at sumakay na ng jeep.

****** GLADYS' RESIDENCE*****

"Whaaaaat! You did what?!!"

Halos mabingi ako sa patiling reaksyon ni Gladys dahil sa kwinento ko ang nangyari kanina samin ni Aizer. Hindi ko mapigilan ang paglamukos ng mukha ko dahil sa nakakabinging reaksyon niya.

" E anong gusto mong gawin ko? Sumama ko kahit alam kong mas kailangan mo ko?" naiiritang tanong ko sa kanya.

Pasalampak siyang umupo sa kama niya kung saan din ako nakaupo habang nasa kandungan ko ang unan niya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

" Friend, yes, I know we're best of friends. Alam ko ring kapag kailangan natin ang isa't isa lagi tayong nandiyan to support each other. Pero Charity hindi ko naman akalaing kahit lovelife mo, iri-risk mo para sakin. I'm flattered!" she said in a very sarcastic way.

Inirapan ko siya sabay pagpag sa kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko.

" You need me!" I exclaimed.

" oo nga! Nandun na tayo," sabay hawak sa ulo niya na parang sumasakit na ito sa pagpapaintindi sa akin. " Pero nag-effort siyan magprepare ng dinner para sayo. Para MAKASAMA KA!! " pagbibigay-diin na niya ditto.

Natahimik ako sandali dahil sa sinabi niya. Oo nga naman. Nag-effort si Aizer tapos tinanggihan ko pa.

Ano ka ba naman Charity!! Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi ng tuluyan ng mag sink-in sakin ang nasayang na effort ni Aizer.

Alanganin akong tumingin kay Gladys.

" O?"

" Ang bad ko ba friend? Anong gagawin ko?" parang gusto ko na tuloy maiyak.

Iiling-iling na nakatingin lang siya sa akin. Sabay tingin sa relo niyang pambisig.

"Charity, maaga pa. It's only 8pm. Kung ako sayo pupuntahan ko siya at itutuloy na ang surprise dinner na hinanda niya."

Saglit ko siyang tiningnan at tinantya kung seryoso ba siya. Pero dahil bestfriend ko siya, alam kong seryoso nga siya sa mga oras na ito.

Unti-unti na kong napangiti. I hugged her tight.

" So pano, gora na ko?" nakangiti kong tanong matapos ko siyang yakapin.

" Kanina pa nga dapat eh!" nakangiti ring sagot niya. " Sige na! Sigurado kong nagtatampo na yun!"

"Okay! Okay!" natatawang sagot ko. Tumayo na ko at inayos na ang sarili ko.

And when I'm about to open the door, tinawag pa ko ni Gladys.

" Friend, Aizer deserve a kiss! Pampawala ng tampo yun!" ngiting-ngiting pahabol niya.

Hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti dahil sa sinabi niya. " Luka-luka! Pero dahil sa sinabi mo, thanks for giving me an idea!" sabay kindat ko sa kanya.

Okay Charity! You know what to do! Go! Go! Go!

;r

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon