Chapter 3~ The Unexpected Project

108 11 3
                                    

Chapter 3

Charity we have a new project!,” bungad sakin ni Alex pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa aming Wordsmith Department. Lagi akong dumidiretso dito pagkatapos ng klase ko dahil marami kaming ginagawang article para sa aming university paper.  Isa ako sa mga writer ng department na ‘to kung kaya’t madalas ako dito. Medyo Lalo na’t hindi rin magtatagal ay magtatapos na ang first sem. Kaya kailangan ay may mai-publish na kaming newspaper para sa university. Every sem kasi ay nagre-release kami ng university paper na kung saan naka-publish doon ang iba’t- ibang mga events na nangyayari sa BF University. At maliban sa newspaper ay nagpa-publish din kami ng magazine that is exclusive for BF students only. Saan ka pa hindi ba? Actually, parang ang magazine na ‘to ang nagse-serve as showbiz news sa university namin. Dahil dito mo lang malalaman ang mga “ hot” topics tungkol sa mga BF students na sikat, gwapo, maganda, mayaman at matalino. Nilalabas din namin sa magazine na ‘to ang mga “hottest” loveteam na sinusubaybayan ng mga estudyante.  Mga trending topics na talagang nagiging issue sa mga estudyante.At dahil mayayaman nga ang mga nag-aaral dito, syempre afford nilang bumili ng mga magazine that is exclusive for BF students only.

“ Anong project natin ngayon? May naisip na ba kayong ifea-feature natin para sa BF Magazine?” tanong ko kay Alex.

“ Yup! At dahil ikaw ang favourite writer ng lahat, hindi ka muna hahawak ng newspaper natin,” sabi ni Alex ng nakangiti sakin.

“ Ha? E sino ang pahahawakin mo ng newspaper?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“ Ipaubaya mo na yun sa bestfriend mo na mahal ko.” Sabay taas-baba ng makakapal na kilay nito habang nakangiti.

“ So sa magazine ako ngayon?”

“ Paulit-ulit tayo Charity?”

“ Naninigurado lang naman,” nakangiti kong sagot sa kanya. “ So, ano nga ang bagong assignment ko?”

“ Actually, the committee is planning to make an exclusive interview with the prestigious son of the Buenafox’s, which is no other than Aizer Buenafox. And since you’re our well-known  writer in town, we want you to do that exclusive interview.  And for sure, that would be a big hit!” excited at talaga namang ang lapad ng ngiti nito.

“ Ahm… Alex , are you sure na ako talaga ang gusto ninyong mag-interview sa Aizer Buenafox na yun?”

“ Aha at wala ng iba!” confident nitong sagot.

Okay! Sabi ko na nga ba hindi dapat ako nagsasalita ng tapos!

“ So when will I start?”

“  Well you have to get an appointment first para ma-schedule natin ang interview mo sa kanya.”

“ Umm… okay. Ako na lang din ang mag-aayos nun.”

“ That’s good! So clear na tayo ah? Ikaw ang mag i-interview sa kanya.”

 I nod my head.

“ And one more thing Cha, you should keep this as a secret. This is only exclusive in our department. We’ll surprise the university for this!” pahabol pa niya.

Tumango na lang ulit ako sa kanya. Halatang-halata talaga kay Alex na excited siya sa project na ito. Well, sino ba namang hindi? 100% sure ako na talagang tatabo sa takilya itong naisip ng committee. Iniisip ko pa lang, parang magiging sold-out talaga  ang magazine. Pero ang malaking katanungan talaga para sa’kin… makaya ko kaya? Hindi naman sa hindi ko kaya, it’s just that nung sinabi sa akin ni Alex kanina na ako ang mag i-interview kay Aizer Buenafox, parang bigla na lang may kaba akong naramdaman. Yung feeling na saglit na nag slide yung puso mo. Alam mo yun? Ay ewan! Masimulan na nga ang pagkuha ng appointment sa kanya para masimulan ko na rin ang pag iinterview sa kanya. So help me God!

Can I Call You... MINE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon