Chapter 23: Hammer
Ivan's P.O.V.
Ngayong araw na ito magaganap ang pagsubok kung saan makakalaban namin si Lander para makuha ang armas.
Kanino kaya mapupunta ito?
Pero sa tingin ko kay Carlo siya mapupunta kasi muntik na niyang mahawakan dati.
Nakakainip. Kailan kopa ba makukuha ang akin?
Bago kami magsanay, napagdesisyunan naming magsanay pa lalo na sa pagsasama sama ng aming kapangyarihan.
Pinagbuti rin namin ang aming mga sariling kakayahan dahil hindi namin alam kung ano ang kayang gawin ni Lander.
"Guys, sa tingin niyo mananalo ba tayo kay Lander? Kung hindi lang ako nagkaganon noon di natin matatalo si Adan." Saad ni Carlo habang nasa kalagitnaan kami ng pagsasanay.
"Not so sure." Maiksing sagot ni Mia.
"Di rin ako sigurado pero kung di tayo magiging mas malakas ngayon, malaki ang tyansang matatalo niya tayo." Sabi ko.
Tumango na lamng siya bago kni magsimulang magsanay ulit.
Mas marami pa palang spells ang nakatago sa loob ng enchanted book kaya mas marami kaming natutunang spells at tricks.
Tanghali na nang matapos na kaming magsanay.
Kahit wala ng pagtitipon ay napakalaki parin ng mesa sa hapagkainan.
Napakarami paring pagkain ang nakahain kaya sigurado akong mananaba si Carlo hays.
Tahimik kaming kumakain dahil nagpapakiramdaman kami.
Kinakabahan kami sa labang magaganap mamaya.
"Oh mga bata, bakit parang ang tatahimik niyo ata? Huwag niyong sabihing natatakot na kayo para sa mangyayari mamaya AHAHAHA!" Sambit nito bago humalakhak ng pagkalakas lakas
"H-hindi kami natatakot! S-sadyang kinakabahan lang kami." Sabi ko sa kaniya.
"Huwag kayong kabahan, si Adan na ang pinakamalakas kong kawal rito sa kaharian, maliit lang ang pagitan ng aming mga kakayahan."
Hindi ko ba alam kung mapapanatag ba kami sa sinabi niya o mababahala.
Nang matapos kumain, nag training lang talaga kami ng nagtraining bago ianda ang mga sarili namin.
Alas tres ng hapon, ito na ang oras na hinihintay ng lahat.
Mas lalo talaga kaming kinabahan dahil sobrang daming manonood.
Habang pumapasok kami sa colliseum,(ito ang lugar na kung saan parang magaganap ang mga bull fightings) maririnig namin ang mga hiyawan at mga palakpakan ng mga taong umaasa sa amin.
Nang makapasok kami sa loob ay may bigla na lamang lumabas na itim na linya sa gitna ng colliseum bago lumabas si Lander.
Di hamak na mas mabilis si Lander sa paggamit ng kapangyarihang iyon kesa kay Adan.
Napakamaskulado niya pala talaga nang maalis ang kaniyang kapa at mga baluti.
"Ivan!" Tawag ni Adan bago siya lumabas sa upuan ng mga manonood at lumapit patungo sa amin.
"May nais lamang akong ipaalala sa inyo bago magsimula ang inyong laban kaya makinig kayo." Talagang makikita sa mukha niya ang pagkaseryoso kaya talagang importante ang sasabihin niya.
"Ang kapangyarihan ko na kaparehas sa aking pinuno ay karaniwang gawa ng linyang aming inilalabas para maikonekta sa inyo at makalapit sa inyo ng walang kahirap-hirap." Pagpapaliwanag nito.
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...