Chapter 16

73 28 3
                                    

Chapter 16: Arkularia Kingdom

A/N: Arkularia also known as Archers

*Ivan's P.O.V.:*

Masaya at maingay kaming naglalakad sa kagubatan dahil ngayon lang ulit namin nakasama si Pat.

Ikinukuwento namin sa kaniya ang aming pakikipagsapalaran sa assasin's kingdom at pakikipagsapalaran para lamang mailigtas siya sa malalim na pagkakatulog dahil sa lason ng ahas na ibinigay sa kaniya ni Shane.

" So, si Ken palang ang may sacred weapon sa ating lahat?" Tanong nito na ikinatango naming lahat

" Nakakainggit naman! Sana makuha ko narin ang akin." Bulalas ni Mia.

" Pero nakakaexcite rin naman na malaman kung anong sandata ang mapupunta sa atin ano?" Tanong ni Carlo na ikinasang-ayon naming lahat.

" Pero, saan nga ba ulit tayo pupunta?" Tanong ni Pat.

" Sa archer's kingdom." Maikling sagot ni Roxie.

" Kailangan rin nating mag-ingat dahil ang iba pang kaharian na ating pupuntahan tulad ng archer's kingdom ay hindi kayo kilala bilang nakatakdang magliligtas sa aming mundo kaya may chansang patamaan kayo ng mga ito gamit ang kanilang mga armas." Dugtong pa nito.

Patuloy kaming naglalakad sa kagubatan hangga't napansin naming ang mga puno na aming nakikita kung saan-saan ay unti-unti ng nababawasan ngunit dumadami naman ng dumadami ang mga malalaking bato sa paligid.

Napapansin na rin namin ang mga palasong nakatarak sa mga punong natitira sa kagubatan senyas na malapit na nga kami sa archer's kingdom.

Inilagay ni Ken ang kaniyang staff sa kaniyang bag bago niya inihanda ang kaniyang dagger para mapaghandaan namin ang sakaling pagsalakay ng mga kawal ng archer's kingdom.

Sa di kalayuan, unti-unti na naming natatanaw ang tila isang napakalaking kastilyo na makikita mo sa mga ipinapalabas sa mga telebisyon.

Isa itong malaking kastilyo na mayroong dalawang malilit na tore sa pagitan ng dalawang malalaking tore.

Matatanaw rin sa di kalayuan ang mga bantay na may mga armas na pana at palaso kanilang likuran.

Ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay patungo sa kaharian ng mga mamamana.

***

*Someone's P.O.V*

" Pinuno, pinuno!" Sigaw ng isa sa aking mga tauhan na nagbabantay sa labas ng aking kaharian na humahangos na dumating sa aking harapan.

" Huminahon ka at sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa aking kaharian."

" Pinuno, isa po sa mga tauhan sa kaharian ng mga assasin ang patungo sa ating kaharian."

" Ano ang kailangan ng espiyang iyan sa aking kaharian?" Tanong ko na ikinakulo ng aking dugo.

" At ito pa po pinuno, may lima pong mga tila salamangkerong ipinadala rito ni Marcus para sakupin ang ating kaharian!" Dugtong pa nito na aking ikinagulat at ikinalaki ng aking mga mata.

" Bilis, tawagin ang lahat ng mga kawal, paghandaan ang pagsalakay ng mga kalaban at patunugin ang kampana ng bilang babala sa mga mamamayan!" Sunod-sunod kong utos na ikinagimbal ng aking mga kawal at ng aking mga mamamayan.

Inihanda ko na rin ang aking armas bilang paghanda sa aking mga nasasakupan at proteksyon sa aking kaharian.

" Hinding hindi kayo magtatagumpay sa mga masasama niyong balak!"

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now