Chapter 19: Prediction
A/N: Sorry guys at hindi nako nakakapag update, sa totoo lang tinamad talaga akong tapusin to at nahinaan ng loob hahahaha but my inspiration went back to finish this story so ayun nga, lagi na akong mag uupdate. Enjoy!
*Ivan's P.O.V.*
"Nauumay nako sa gubat nato gosh! Lagi nalang tayong naglalakad pagod na pagod nako!" Pagrereklamong muli ni Mia.
"Sinabi mo pa. Lagi nalang tayong naglalakad tapos pumupunta kung saan-saan. Bakit hindi nalang muna tayo gumala sa iba't-ibang lugar?" Kinampihan pa ni Carlo si Mia.
" I agree, palutangin mo na ang bato Carlo at nang makasakay na tayo at makagala rito." Sambit ni Mia.
I sighed. "Not this time Mia." Lagi nalang silang nagrereklamo samantalang wala naman silang nagagawang maganda.
Mahigit na rin kaming dalawang oras na naglalakad kaya hindi ko rin sila masisisi kung magrereklamo sila ng magrereklamo.
"Tulong!"
"Did you guys hear that?" Natigilan si Pat sa paglalakad at biglang naging alerto.
"Wala naman akong naririnig guni-guni mo lang yon." Wika ni Carlo at nagpatuloy muli sa paglalakad.
"Shh! Pakinggan niyo kasi."
"Tulungan niyo ako!"
"Oo nga may humihingi ng tulong, sundan natin ang sigaw." Sambit ko at nagsimula kaming tumakbo at sundan ang ingay.
"Tulungan niyo ako pakiusap!"
Dinala kami ng aming mga paa sa may talahiban. Sinilip namin kung sino ang humihingi ng tulong at bumungad sa aming paningin ang isang matandang babae na tila mid 50's ang edad na napapalibutan ng mga tulisan at mukhang nanghihina na sa kakasigaw at pagpupumiglas sa isa sa mga ito.
"Sumugod na tayo Ivan." Suhestiyon ni Mia.
"Huwag munag sa ngayon, hawak siya ng isa sa mga pangit na yon, baka gamitin niya lang yun laban sa akin."
"Pat." Bulong ko sa kanya at mukhang nakuha naman niya ang dapat niyang gawin.
Inasinta niya ang tulisang may hawak sa matandang babae ng kanyang pana kasabay nito ang pagkawala niya sa palaso na ikinabulagta nito.
"S-sino ang nandiyan?!" Tila natakot at naalarma ang mga kasamahan niya ng makitang bulagta na ang isa sa kanila.
"Ngayon na!" Sigaw ko at nagsimula na kaming magpakita mula sa likod ng mga nagtataasang mga halaman at sinimulang patumbahin ang mga kalaban gamit ang aming mahika.
Habang abala sa pakikipaglaban ang mga tulisan ay pinuntahan ko ang matandang babaeng nakayuko na at ntila natatakot sa mga pangyayaring nasaksihan niya.
"Ayos lang ho ba kayo?"
"Maraming salamat hijo, kung hindi kayo dumating ay baka patay na ako sa kanilang mga kamay." I feel relieved nang malamang nasa mabuting kalagayan ang matandang babae habang inaalis ko siya sa gitna ng labanan.
"Ayos lang ba kayo?" Usisa ko kila Pat nang matapos nilang pabagsakin ang mga kalaban.
"Ayos lang kami, eh si lola ayos lang ba?" Nilapitan ni Pat ang matandang babae at niyakap.
"Ayos lang siya." Maikli kong tugon.
"Hah! Mga wala namang binatbat ang mag yon sa amin eh, walang wala pa nga sa kalingkinan namin." Ayan nanaman si Carlo sa pagmamayabang niya Hayss.
"Pero paano nga po ba kayo nahuli ng mga to lola?"
"Kumukuha lamang ako ng mga halamang gamot sa tabi-tabi nang bigla nalang nila akong hilahin at pilit na isinasama sa kuta nila pasensiya na." Yumuko ng bahagya ang matandan babae na tila sinisisi ang kaniyang sarii sa pagkakadakip sa kaniya.
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...