Chaptaer 17: Challenge
*Ivan's P.O.V.*
Dinala kami ng pinuno sa gitna ng isang colliseum kung saan may mga nakahandang mga pana, palaso at archery targets na nakalaan para sa amin maliban kay Roxie.
Makikita sa mga mukha ng mga taong manonood ang pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala sa amin habang naguusap-usap sa gilid ng colliseum.
" Ito ba talaga ang magliligtas sa mundo natin?
" Parang hindi naman, pakiramdam ko nga mga kalaban lang yan na kinukuha ang loob natin!"
" Oo nga! Mga mapagpanggap!"
Tumigil ang mga bulung-bulungan at usap-usapan ng mga tao nang magsimulang tumunog ang gong at ang mga trumpeta.
" Mga mamamayan ng archer's kingdom, Ngayong araw, masasaksihan natin ang mga limang estrangherong sinasabing sila ang magliligtas sa ating mundo sa pamamagitan ng isang pagsubok." Anunsyo ng pinuno na ikinabulyaw ng mga manonood sa amin.
" Hindi nila magagawa yan, mga sinungaling!"
" Imposibleng magawa nila yan!"
" Dapat hindi nayan pinapasok sa kaharian, mga kalaban yan!"
Muling tumunog ang gong ng ilang beses na ikinatigil ng mga manonood.
" Huminahon kayo, dito natin makikita kung tunay ang panukala ng mga estrangherong ito."
Ibinigay ng pinuno sa amin ang pana at tigtatatlong palaso bawat isa sa amin.
" Ngayon, gamit ng mga hawak niyong armas, kailangang tumama ang isa sa mga palaso ninyo sa kulay palang marka." Turo nito sa bullseye ng archer's target na napakalayo ng agwat na tila aabot ng ilang metro ang layo mula sa amin.
" Sinasadya mo ba talagang hindi namin magawa pagsubok mo? Ang layo!" Bulyaw ni Mia sa pinuno na ikinahalakhak lang nito.
" Kung isa talaga sa inyo ang nagmamay-ari ng aming armas, isa sa inyo ang makakagawa ng pagsubok malayo man ang target niyo." Sambit nito.
" Ako na ang mauuna." Pagboluntaryo ko na ikinatango lang nila."
Sinimulan kong magpokus sa target habang dahan-dahan kong ikinasa ang palaso at binitawan ito nang umihip ang napakalakas na hangin na ikinalayo ng palaso sa target.
" Malas!"
Naghintay ako ng tamang oras na tumigil ang hangin tsaka ko pinana ang target ng sunod-sunod gamit ng natitirang mga palaso ngunit may pag-asinta at pagfocus sa target pero hindi parin sapat ang aking pag-asinta na ikinalagpas ng isang palaso sa target at ikinatarak ng isang palaso sa kulay puting target malayo sa bulls eye.
Sinubukan rin nila Mia, Pat, Ken at Carlong asintahin ang kani-kanilang target ngunit kahit isa man lang sa mga palaso nila ay hindi tumama sa bulls eye bagkus, tumama lang ito sa puti o asul na target at minsan ay nilalagpasan lang ang target dahil sa ihip ng hangin.
Ibinato ni Mia ang pana at binulyawan ang pinuno.
"What kind of dumb challenge is this? Eh kahit sinong normal na tao ang bigyan ng ganitong pagsubok, ay imposibleng magawa ito kahit na ang itinakda!" Bulyaw nito na sinang-ayunan namin dahil may punto siya rito kasabay nito ang paglakas ng mga bulong-bulongan ng mga manonood tungkol kay Mia.
"Nakita mo iyon? Sinigawan niya ang pinuno natin!"
"Oo nga! At inihagis pa niya ang pana bilang kawalan ng respeto sa ating pinuno!"
Binalot ng mga sigawan ng mga manonood ang buong colliseum.
"Boo!"
"Wala kang galang!"
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...