Chapter 15

74 33 5
                                    

A/N: Ladies and gentlemen, I repreresenting to you the full appearance of Carlo the earth wizard at the top of this chapter.

As you can see, he's in the brown wizard's suit while holding a staff.

Well, same as Ivan, I can't find a cool picture with his face because I can't see as cool as this one.

So, enjoy on this picture and this chapter, thank you!(Wahahaha english amporkchop well di ko alam kung tama grammar niyan haha paturo naman!

Don't forget to vote, enjoy!

Chapter 15: The revival

*Ivan's P.O.V.*

Nabigla nalang kaming lahat nang maglaho ng parang bula si Kenn sa pagkakagapos sa mahika ni Shane matapos mapasakamay niya ang sagradong armas na tinutukoy ni roxie.

" Saan pumunta yon?" Pagtatakang tanong ni Carlo.

Nanlaki ang aming mga mata nang biglang sumulpot si Ken sa likuran ni Shane at aakmang sasaksakin ito gamit ang kaniyang dagger nang naramdaman ito ni Shane bago siya masaksak ni Ken kaya humarap ito at nagpalabas ng malakas na puwersa ng dark spell at akmang tatama ito kay Kenn.

Muling nawala ng parang bula si Kenn at sumulpot ito sa ibang pwesto bago naglabas ng mas malakas na puwersa ng hangin na ikinatalsik niya at ikinabangga niya sa isa sa mga puno na ikinapanghina niya ng ilang minuto kasabay nito ang pagkawala ng mahika niya na nakakonekta sa amin kaya kami nakalutang at nakagapos na ikinahulog namin sa lupa.

" Ayos lang ba kayo guys?" Pag-aalala kong tanong sa kanila.

" Ah! Ang likod ko." Daing ni Mia.

at tumango lamang sina Carlo at Roxie sinsabing ayos lang sila.

" Takbo!, kailangan nating makalayo kay Shane at makuha ang bunga ng enchanted tree bago mag bukang liwayway!" Bulas niya at nagsimula na siyang tumakbo na sinundan namin itong lahat at si Kenn ang nasa hulihan bilang bantay para malaman niya kung sumusunod si Shane at kung aatake ito.

" Yuko!" Sigaw ni Ken na ikinayuko naming lahat habang tumatakbo dahil patuloy na naglalabas si Shane ng itim na mahika patungo sa amin.

Pilit itong pinipigilan ni Carlo sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga bato mula sa lupa ngunit nasisira rin itong agad dahil sa lakas ng mga nilalabas ni Shane na mahika.

" May naisip akong magandang ideya!" sambit ni Mia.

" Carlo, bakit hindi ka magpalutang ng mga malalaking bato mula sa lupa at sumakay tayo rito para makalipad tayo at makarating agad sa tuktok ng bundok." Suhestiyon nito.

" May punto si Mia, Carlo bilisan mo dahil malapit nang magbukang-liwayway!" Pag-sangayon ni Roxie.

" Pero, hindi ko pa kay-"

" Wala ng oras para mapanghinaan ka ng loob. Wala namang mawawala kung hindi mo susubukan diba?"pag-uudyok ni Mia.

Sinubukan ni Carlong palutangin ang isang malaking bato na mula sa lupa ngunit agad rin itong nahulog.

" I told you, I can,t."

" Try again, Focus!"

Sinubukang muli ni Carlong palutangin ang mga malalaking bato mula sa lupa at nagawa niya ito ng tama sa pagkakataong ito ngunit mga magagaspang na bato ang naipalutang niya.

" Are you really thinking?! Mga magagaspang na bato ang pinalutang mo, pano kami makakatapak niyan?" Pagrereklamo ni Mia.

" Eto na, eto na susubukan ko ulit!" Iritadong sambit ni Carlo.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now