Chapter 26: Nostalgia Kingdom
A/N: Nostalgia as techno kingdom.
Ivan's P.O.V.
Nagising ako sa sinag ng araw na pilit gumigising sakin na nagsasabing masyado nang naging mahaba ang tulog ko.
Sa dami nga naman ng gagawin ay mas pinili kong bumangon at balewalain ang katamarang bumabalot sa akin.
Nanghihina pa ako. Ano ba nangyari nang nawala ako?
Bumangon akong walang kahit isang nakabantay sa akin sa tent.
May narinig akong ingay ng nagkwekwentuhan sa labas.
"Uy Pat para kang timang! Pabalik balik ka diyan puwede bang pumirmi ka diyan ng pagkakaupo?! Ako ang nahihilo at natatakot sayo!" Naiirita na si Carlo dahil sa harapan nito habang naglalakad ng naglalakad si Pat.
Himdi maipinta sa kaniya ang pag-aalala at pag-iisip na ikinangiti ko.
Di ko aakalaing concern siya sakin.
Pinipigilan ko ang sayang pilit sumisilip sa aking mukha bago lumabas sa tent.
"Ivan!" Tulad ng inaasahan ko ay siya pa ang unang nakapansin at bumati sa akin bago tumakbo at yumakap sakin ng napakahigpit.
"Kamusta ka? Ok kana ba? Nagugutom kaba? Teka ikukuha kita ng pagkain." Sunod-sunod na tanong niya.
Tila nababaliw na siya sa ikinikilos niya kaya aksidente kong napaglapat ang aming mga labi ng mahigit isang segundo kaya smack lang siya.
Natigilan ito at pinaghahampas ako sa braso bago ako yakapin.
"Ayos lang ako Pat, pangako na ilalabas kita sa lugar na ito. Masaya akong lalabas tayo rito ng masaya at magkakasama." Positibo kong sagot sa kaniya habang hinahagod ang buhok niya.
Tila humikbi lang siya sa dibdib ko habang nilalabas ang kaniyang sama ng loob.
"Nakakainis ka! First kiss koto tas ang pangit pa ng situwasyong napili mo para gawin 'yan!" Inis na sabi nito.
"Akala ko hindi kana magigising." Dagdag pa nito.
"Pangakong hindi kita iiwan, kaya kong isugal ang buhay ko sa 'yo mailabas kalang sa lugar na ito." Sorry mama, masaya akong mamamatay para sa taong minamahal ko.
"Ivan matutuwa ka sa malalaman mo." Natutuwang sabi ni Adan na may dala-dalang magandang balita.
"Maglabas ka ng apoy sa kamay mo." Excited na utos ni Adan kaya naweweirduhan na ako dito.
Nag-aalangan akong maglabas ng kapangyarihan dahil sa hindi pa nanunumbalik ang aking lakas.
Naglabas ako ng maliit na bola ng apoy ngunit naramdaman kong hindi nabawasan ang lakas ko.
At ang mas ikinagulat ko ay ang kulay kahel kong apoy ay naging asul o lilang apoy.
"Nagkaroon ng resulta ang ginawa natin, nakakuha ka ng konting lakas sa bawat orb." Pagpapaliwanag ni Adan.
"Ibato mo." Utos nito.
Ibinato ko ito sa isa sa mga patag na damuhan.
Kahit maliit ay makikita na ang pagkakaiba ng kapangyarihan ko.
Bukod sa kulay ay mas mabilis na itong bumulusok at kumakalat ang apoy sa isang partikular na direksyon na iyong nanaisin.
"Patricia, maglabas ka ng tubig patungo sa apoy ni Ivan." Utos muli ni Adan.
Hindi man maintindihan ni Pat ay sinunuod na lamang niya ang inutos ni Adan at nagsimulang maglabas ng tubig patungo sa ginawa kong apoy.
Nakakapagtakang hindi kaagad-agad natupok ang apoy samantalang tubig ang kahinaan nito.
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasiFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...