Chapter 18: Bow
*Ivan's P.O.V.*
Nabalot ng katahimikan ang dungeon. Tanging ang sigaw ng mga nagkakagulong mamamayan at halimaw lamang ang aming naririnig.
"Paano kaya kung maglabas si Ken ng tornado? Masisira non ang kulungan." Suhestiyon ni Carlo.
"Nag-iisip ka ba talaga? Edi Nasira non ang kaharian at baka tangayin pa yung armas." Ani Mia na sinamaan lang ito ng tingin ni Carlo.
Wew edi nadamay rin kami sa tornado nag-iisip ka ba talaga Carlo?
Naririnig namin ang kaluskos at paunti-unting pagbagsak ng mga bato mula sa itaas.
"Bilisan na natin bago pa tuluyang masira ang gusali!" Natatarantang sambit ni Mia.
"Ken, diba kaya mo ng magteleport?" Nagmamadaling tanong ni Pat.
Nakuha agad ito ni Ken kaya nawala ito ng parang bula at lumitaw sa harap ng gate bago sirain ang kandado. "Tara na!"
Oo nga no ba't hindi ko yun naisip kanina? Magaling talaga si Pat pagdating sa logical thinking.
"Pat tabi!"
Sigaw ko nang mapatigil ako at manlaki ang aking mga mata nang may malaking tipak ng bato ang akmang babagsak kay Pat.
Nashock lang si Pat kaya hindi ito nakaiwas. Itutulak ko sana siya para maiiwas siya nang bumalik ang bato sa itaas kasama ng ibang gumuguhong bato.
"Hahaha sorry nalate spell ko para naman may thrill." Sambit ni Carlo habang nakangisi at humahalakhak na ikinasama ko ng tingin sa kaniya.
Hay kahit kailan talaga si Carlo parang tanga.
" Ivan, yung hagdan. Turo ni Pat."
Tumakbo kami patungo sa hagdan at nagmamadaling umakyat palabas ng dungeon habang pinipilit ni Carlo sa likod namin na ibalik sa itaas ang mga gumuguhong bato."Bilisan niyo!"
Ang gulo ng kaharian. Maraming bahay at istraktura ang nasira kasabay nito ang mga mamamayang nagkakagulo . "Anong nangyayari dito?"
"Skwaak!"
"Ivan tignan mo" turo ni Roxie sa kalangitan kung saan may higanteng ibon ang bumubulusok patungo sa kaharian habang pinapana ito ng sugatang pinuno at ng kaniyang mga kawal.
It look like a phoenix, ngunit mas nakakatakot ang hitsura nito kumpara sa mga nakikita ko sa internet.
" Carlo, Mia, Ken, tulungan niyo ang pinuno at mga kawal."
" And why should I help that bitch? Eh siya nga itong nagku―" Naputol ang pagrereklamo niya nang hawakan ito ni Ken at magteleport.
" Roxie, Pat, tayo ang kumuha sa ar― teka, asan si Pat?"
~~~
Nakatayo si Pat habang nakatulala sa harap ng mga nagkakagulong tao sa tabi ng trapdoor ng dungeon.
Naiwan pala ito nila Ivan sa gitna ng kanilang pagmamadali kaya heto siya ngayon at mukhang takot na takot sa nasasaksihan.
"Ahhh!" Nagulat ito nang mabangga ito ng isa sa mga mamayan sapat na para mawalan ito ng malay.
. . .
"Where am I?" Tanong nito nang makita ang isang nasusunog na bahay sa harapan niya.
"Oh no! Not again" pangangamba nito nang makita ang isa sa mga pangit na mga ala-ala nito.
Nakita niya ang sarili niya, An eight year old girl na umiiyak nang makita ang kaniyang amang natrap sa loob ng nasusunog na bahay.
"Dad!"
"Your Dad will be ok, don't worry dear" Sambit bg kaniyang ina na pinapatahan ang kaniyang anak sa kabila ng malungkot at humahagulgol rin dahil sa sitwasyon.
Nagsimulang tumulo ang luha ni Pat sa kanang mata nito.
"I'm happy that when my dad pass on, my mom never leave me on my side. She always support me when I have challenges and struggles in my life."
"Dad, I wish that your happy and safe wherever you are"
"W-what is this? Tanong nito sa sarili nang may kuminang na kulay asul na armas sa harapan nito.
Hinawakan niya ito kasabay nito ang pagliwanag ng buong lugar.
. . .
"P-pat? Tanong ni Ivan nang makita si Pat na nasa taas ng tower at pinapana ang ang halimaw.
Halos nagulat ang lahat kahit ang pinuno dahil sa pangyayaring nasaksihan nila dahil si Pat pala ang mag-mamayari ng armas.
Asul ang mga mata nito, nakasuot ng magandang kasuotan katulad ng isang mamamana.
"Pat mag-ingat ka bulyaw ni Ivan ng makitang ang halimaw ay bumubulusok sa kanya."
Tumalon ito at nagroll over dahilan para maiwasan ang atake ng mga halimaw na ikinalaglag ng panga ni Ivan.
Patuloy itong pumana hanggang sa matamaan nito ang ulo ng halimaw.
"Tumabi kayo!" Sigaw ng isa sa mga mamayan dahil babagsak na ang ito."
Unti-unting bumalik sa dating kulay ang mga mata ni Pat matapos mawalan ng ulirat ang kalaban.
"Guys! Ang saya HAHAHA akalain niyo ako pala ang magmamana neto."
"HAHA congrats Pat! Pagbati ni Carlo."
At kahit sila Ivan at ang kaniyang mga kaibigan ay napapalakpak dahil sa galing ng mga kilos ni Pat.
Marahang naglakad ang pinuno papunta sa grupo nila Pat.
Napataas ang kilay ni Mia nang masaksihan ito."And what brings you here?" Pananaray ni Mia sa pinuno?
Unti-unting yumuko ang pinuno at lumuhod kasabay ng kaniyang mga nasasakupan sa harapan ni Pat.
"P-patawarin niyo ko sa mga nasabi ko, mga itinakda." pagsisi ng pinuno na ikinangiti ni Pat.
"HAHAHA ok lang yon, masyado ka kasing mapaghinala eh". biro ni Pat na ikinahalakhak nila.
"Sa susunod, subukan mo ring magtiwala" *wink
"Tara Ivan umalis na tay―" naputol ang sinasabi ni Pat nang nagsalita ang pinuno "Sandali." Sambit ng pinuno
Tumakbo ito saglit sa sirang istraktura at bumalik na may bitbit na mga pagkain at gamit.
"Dalhin niyo to, makakatulong ito sa paglalakbay niyo." Pag-aalok nito.
"HAHAHA salamat po yes!" Natutuwang sambit ni Carlo nang makita ang isang katutak na pagkain.
"Mag-ingat kayo!" Pagpapaalam ng pinuno nang magsimulang maglakad paalis ang mga tagapagligtas."
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantastikFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...