Chapter 22: a night to remember part 2

1.4K 77 66
                                    

Natapos namin ni Archee ang isang kanta at ang dami rin naming napag usapan sa buhay buhay namin pero kalahati nyun puro tawanan lang kami at hiyaan.

"Gusto mo labas tayo saglit?"

"Ha?" Sabi ko.

Nilapit ni Archee yung mukha nya sa mga tenga ko para marinig ko yung sasabihin nya.

"Labas tayo saglit."

Napatango lang ako sa sinabi ni Archee sabay tumingin muna ako sa 3 annoying men na bising-busy parin sa mga umpok ng estudyante na nakapaligid sakanila.

Actually nagulat  talaga ako ng bigla akong yayain ni Archee sa labas ng gymnasium namin naglakad kami sa di kalayuan at umupo sa bench sa harap namin may mga puno at tatlong vending machine.

Nakatalikod kami ngayon sa gymnasium pero halos naririnig mo parin ang tunog mula sa loob.

Umupo ako sa bench habang si Archee naglakad sa vending machine at bumili ng dalawang iced coffee na nasa can. Hindi nya ata alam na hindi ako umiinom ng kape, kung para sakin yung isa.

Umupo sya at binigay sakin yung isa nyang hawak. Inabot ko at ngumuti nalang sakanya.

"Ang ingay sa loob no?" Sabi nya.

"Uhmmm." Sagot ko.

"Pau..."

Tumingin ako sa lalaking katabi ko, nakayuko lang sya. Pero ng makita ko syang tumingin sa langit agad kong iniwas yung tingin ko sakanya.

"I like you." Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yun sa bibig ni Archee at napatingin agad sakanya.

"Ha!?"

Ngumiti lang sya at pumikit habang nakatingala parin sa langit.

"A-anon? Teka? Marumi ata yung tenga ko? Wait tama ba narinig ko??!" Naguguluhan kong sabi.

Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Like? As in gusto? Or like as aaaaa friend??" Gosh please say like a friend hindi ko alam gagawin ko natataranta ako nararamdaman ko rin na umiinit yung mukha ko! Ngayon ko lang naranasan yung ganitong eksena. Bakit ngayon pa? Bigla tuloy akong naconsious baka mamaya mabaho na yung hininga ko!

"I like you." Sabi nya ulit habang nakatitig parin sakin! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko na umiinit na yung mukha ko at mga tenga sa sobrang kaba.

"Hi-hindi ko alam kung anong----"

"It's okay. Di naman kita pinipilit na magsalita. Ang mahalaga nasabi ko na sayo yung nararamdaman ko."

"Pero ba-bakit ako? I mean marami dyan yung mas okay sakin." Sabi ko pa.

"Hindi ko rin alam eh basta ang alam ko pag kasama kita masaya ako, panatag ang loob ko at feeling ko nagiging totoo ako sa sarili ko." Sabi nya na medyo nag iwan ng tanong sa isip ko.

Ang alam ko ilang beses palang kami nagkakasama ni Archee at hindi nya pa ako ganun ka kilala, pero bakit somewhat parang naiintindihan ko yung nararamdaman nya.. parang ganito rin yung nararamdaman ko para kay....

Para kay---

Bigla kong naisip yung sarili ko kay Archee pano kung ako sya at inamin ko kay Zeus yung nararamdaman ko, hindi ba't parang paaasahin ko lang si Archee pag hindi ko sya sinagot ngayon?

Pumikit ako at huminga ng malalim, hindi ko alam kung pano ko sisimulan na sabihin kay Archee kung ano ba talagang nararamdaman ko.

"Archee... Hindi ko alam kung pano ko to sasabihin sayo. Masaya ako dahil sa sinabi mo pero...." Tumingin ako sa kanya at nakayuko lang sya.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon