napamulat ako sa alarm ng telepono ko at agad na bumangon sa kama.
humikab ako at hinanap yung telepono ko sa gilid ng unan para patayin yung alarm nito.
late na kasi akong nakatulog kagabi pano ba naman kasi pag dating namin dito sa bahay para akong na hot seat ni Rad habang tinatanong kung saan kami galing ni Dave at pinag uusapan pala kami sa school na sinundo raw ako ni Dave sa room namin para mag date. grabe! talagang mahabang paliwanagan ang sinabi ko para lang maniwala si Rad sakin, samantalang si Zeus nakatingin lang sakin at di ako pinapansin, badtrip na naman ata sya. parang lagi naman haha!
pagkagising ko masama parin ang timpla ni Zeus nakasibangot parin sya tulad ng regular day nya.
mabilis akong nagluto ng breakfast namin para makapunta agad kami ng school. pero dahil sa sobrang arte ni Rad ayan medyo late na kaming nakarating sa school kung anu ano pa kasi yung mga hinanap nya na dadalhin nya, mga lotion and anti keme keme at mga bug spray!! Tinalo pa'ko bes! Kaasar!
pag dating namin, sumalubong samin ang nakasibangot na mukha ni Joan, sya lang kasi ang nakasibangot dito kaya naman sya lang talaga ang mapapansin mo, yung mga kasama nya kasi at yung mga nasa loob na ng bus sobrang kilig dahil sa tatlong lalaking kasama ko.
"ala-cinco kasi ang usapan diba? anong oras na!?" pagalit na sabi ni Joan.
"30 minutes lang naman kami late hahaha!" sabi ko pa kaya naman nakatanggap ako ng ambang hampas kay Joan.
"bakit kasi kayo na-late! ayan baka mamaya di tayo magkakasama sa iisang bus!" galit parin si Joan.
"sorry na, eh kasi naman tong si Rad eh!" pabiro kong sabi sabay tumingin sakanya si Joan ng masama kaya agad na nagtago sa likod ko si Rad, imagine nakatago sya sa likod ko e mas matangkad sya sakin.
"tara na nga!" sabi ng bruhang kasama namin na agad naman naming sinundan.
Naglakad kami papuntang registration booth para pirmahan yung pangalan namin at bigyan kami ng designated na bus at yung seat number namin.
"ayan sabi sa inyo eh! buti nalang kahit papano sama sama tayo sa iisang bus, kaso sa pinakalikod tayo!" sabi ni Joan habang inaabot samin ang mga tickets.
naunang naglakad si Dave samantalang si Rad at Zeus pumunta ng CR para umihi, kaming dalawa naman ni Joan nauna na sa bus.
"psst!"
"oh?" sagot ko. di na ata sya galit hahaha!
"may chika ako sayo!"
"ano yun?" para kaming mga chismosang nagbubulungan.
"alam mo naba yung legend ng papaya village?"
"bakit? anong meron? magiging papaya ako?"
"baliw!" sabi ni Joan na may paghampas sakin.
"hahaha ano nga?"
"ito na nga, naririnig ko sa mga higher year na may legend daw ang papaya village kung saan meron daw batis duon na may nakatanim na five finger plant. bago kapat nakakita ka raw ng may anim na dahon instead na lima at binulong mo raw ang salitang pag-ibig dumating ka ng tatlong beses magakakatotoo raw."
"naniniwala ka dun? pano ka naman makakakita ng six leaves sa five leaves na dahon!?"
"ayun nga! very rare lang, para lang daw yun sa mga deserving na tao. isang beses lang daw mangyari yun sa isang taon! malay mo ikaw ang makakita haha according kasi sa mga naunang pumunta duon wala raw silang nakita, so i guess hindi nga totoo."
"hindi talaga totoo, at isa pa pano mo malalaman kung darating na yung pag-ibig mo? ang labo diba!?" sabi ko.
"ang sabi nila kapag umulan daw after mo makita ang anim na dahon kung sino ang kasama mo ayun daw ang para sayo."
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...