Chapter 15: unexpected melody

1.5K 70 15
                                    

Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Rad dahil sa ginawa ko parang nilagay ko pa sa panganib yung buhay nya. Sinenyasan ako ni Zeus na pumasok na sa loob pero nanatili parin ako sa labas.

"Gising na sya." Sabi ni Zeus at agad na pumasok sa loob.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang pumasok. Bumungad sakin ang nakangiting mga labi ni Rad habang nakahiga. Nang makita nya kami, agad syang bumangon. tinulungan naman agad sya ni Zeus at inayos yung kama nya.

"Anong nangyari!?" Sigaw ni Dave pagkapasok nya sa pinto. Napatingin naman kaming tatlo sa alalang alalang si Dave.

"Wala to, napagod lang ako." Sabi ni Rad sabay ngiti ulit.

Nang sabihin yun ni Rad kumalma na si Dave at umupo sa gilid ng kama.

"Pinakaba mo ko dun ha. Buti nalang mabilis ang balita kaya nakarating agad sakin pag tapos ng laban namin kaya agad akong pumunta dito." Paliwanag ni Dave

" nga pala, ano pang ginagawa mo rito Zeus? Diba may laban kapa?"

"Hindi na. Samahan ko nalang kayo, mas importante na nandito rin ako."

"pwede kapang humabol sa laban mo Zeus, tutal andito naman nako, ako nalang muna ang magbabantay kay Rad."

Napatingin naman ako kay Zeus sa sinabi nya dahil kahit alam naman na natin na sya ang mananalo duon at makakakuha ng prize tinalikuran nya parin yun para sa kaibigan nya. Napaisip tuloy ako na kahit wala syang emosyon na pinapakita sayo mararamdaman mo naman na mahalaga ka sakanya.

"Pumunta kana Zeus, ayokong maging dahilan para hindi ka makasali sa king of the night." Sabi ni Rad sabay ngiti sakanya. "Andito naman na si Dave, sumama kanarin Pau, para kahit papano meron mag chi-cheer kay Zeus na kaibigan nya." Dagdag pa nito.

Tumingin lang sakanya si Zeus.

"Sige na Zeus, ako na bahala kay Rad. Alam namin na may pag gagamitan ka ng prize nayun."

"Ha? Teka kailangan mo rin ng pera?" Sabi ko sa pagtataka.

Magsasalita pa sana ako pero biglang tinakpan ni Zeus yung bibig ko at niyakap nya yung mga braso nya sa leeg ko. "Kung ganun pupunta muna kami pero after nun babalik agad kami, tawagan mo agad ako Dave pag may nangyari dito ha." Sabi nya sabay hila sakin papalabas ng kwarto.

Sumakay agad kami ng taxi pabalik ng school pero sa byaheng yun ni hindi kami nag uusap ni Zeus, haay asa pakong kakausapin nya ko.

Naghiwalay kami ni Zeus sa labas ng u-theater dahil sa likod sya papasok.

"Hintayin moko dito after matapos nitong event ha! Wag kang aalis dito!" Sabi nya pa na para bang nagbabanta sakin sabay mabilis na tumakbo sa likod ng building ng u-theater ng school namin.

Agad ko namang tinawagan si Joan na ngayo'y nasa loob na ng teatro.

"Kamusta si Radcliff?" Bungad nya sakin pagkaupo na pagkaupo ko. Nyeta ha! di man lang nya ko tatanungin kung gano kahirap hanapin tong upuan nato dahil nakapatay na ang ilaw at mukang nag sstart na ang event. "Okay naman na sya, nagising na sya nagpapahinga nalang sya ngayon sa ospital."

"Ahh, buti naman. Nako alam mo ba natatawa nga ako kasi naalala mo yung mga inggeterang grupo na malapit satin kanina sa gym? Nako dai! Pinagkakalat ba naman na may lason daw yung pinainom mong tubig sakanya."

"Ha!?"

"Oo dai! Nako sinasabi ko sayo! Buti nalang andun ako at napigilan ko ang pag baback fire sayo ng kalandiang ginawa mo."

"Landi agad? Sila naman nauna eh, gumanti lang ako sa pang aasar sakanila."

Napatigil kami sa pag kwekwentuhan ng biglang nagsigawan ang mga taong nandito sa loob ng teatro kaya naman agad kaming napatingin sa front stage. Lumabas na pala si Zeus at sobrang bilis nyang mag ayos ha! Hindi mo halata sakanya na pagod syang tumakbo papunta rito.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon