Nang makita ko ang itsura ni Dave at ang namumuong luha sa kanyang mga mata bigla rin akong napatayo sa pagkakaupo at napatakbo bigla para sundan sya.
Ni hindi ko na makita ang anino nya habang sinusundan sya, bakas na bakas talaga ang pagmamadali nyang makapunta sa tatay nya.
Inasumme ko na na dun sya pupunta dahil tatay lang naman nya ang naka confine dito sa ospital.
Pagkarating ko sa VIP room nakita ko si Dave sa labas ng pinto ng kwarto habang umiiyak ni hindi nya alam yung gagawin nya hindi sya mapakali at ang tanging magagawa nya lang ay umiyak sa sulok.
May tumakbo pang isang nurse papasok sa kwarto kaya naman agad kong sinilip yung kwarto at nakita ko ang isang doctor at apat na nurse na para bang busing busy sa pag salba ng buhay ng tatay ni Dave.
Nasa dulo ng hallway si Dave at nakaupo habang umiiyak na parang batang nawawala sa gubat.
Umupo rin ako at hinawakan sya sa likod.
"Dave."
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala si Daddy. Ayokong mawala sya." Sabi ni Dave at humagulgol na sya ng malakas kaya naman agad ko syang niyakap.
"Wag kang matakot, kung ano man ang mangyari ngayon lagi mong tatandaan na andito lang kaming mga kaibigan mo at hinding hindi ka namin iiwan at pababayaan."
"Marami pa kong gustong sabihin kay Dad, marami pakong gustong ikwento pero baka huli na ang lahat ang tanga tanga mo! Ang tanga tanga mo!" Sabi ni Dave sa sarili sabay hinampas hampas nya yung sarili nya kaya naman mas lalo ko pa syang niyakap ng mahigpit para hindi nya masaktan yung sarili nya.
"Nasan si dad!?" Nagmula sa isang boses ng lalaki kaya naman napatingin ako sa may -ari ng boses. Maginoo ito at mukang nasa mid 30s na. Agaw atensyon din ang mukha nya na agad mong maiisip na kuya sya ni Dave dahil magkahawig sila mas makapal nga lang ang kilay ng ginoo.
Papasok sana sya sa loob ng kwarto pero agad syang pinigilan ng isang nurse at sinabing maghintay nalang sa labas.
"Kuya si Dad?!" Isa pang lalaki ang dumating na bakas sa mukha ang pag aalala. Mukang kapatid din sya ni Dave at talagang nasa lahi talaga nila ang agaw atensyon na mukha ha. Sobrang gwapo rin nito medyo payat nga lang at sakanilang tatlong magkakapatid mukang sya ang pinakamatangkad sa tingin ko kasing tangkad nya rin si Zeus.
Biglang tumayo si Dave kaya naman napatayo rin ako, pinunasan nya yung mga luha nya at yumuko.
"Kuya." Sabi nya sa mahinang boses.
Tinignan sya ng Ginoo na unang dumating na feeling ko sya ang panganay sakanila. Tumingin sya kay Dave na may galit at agad sinuntok si Dave sa mukha.
"Walanghiya ka! Anong ginagawa mo rito!?" Galit na galit na sinabi ng Ginoo pero hindi sumagot si Dave at nakayuko lang to.
"Pagkatapos mong patayin si Mommy si Dad naman yung balak mong patayin!? Alam mo dapat talaga di kana pinanganak eh! salot ka talaga! Ano na naman ang ginawa mo!?" Sigaw nya habang diniduro duro si Dave. Pero tahimik lang si Dave.
Sobra akong nagulat sa pangyayari hindi ko akalain na ganito ang mangyayari ngayon at hindi ko alam na may mga kapatid pala si Dave na hindi nya kasundo all this time akala ko close na kami alam ko na yung mga bagay bagay sa buhay niya pero hindi parin pala.
"Kuya, tama nayan." Sabi pa nung isa nyang kapatid na matangkad marahil sya ang middle child sa pamilya nila Dave.
"Dave umalis ka muna dito hindi nakakatulong yung presensya mo dito!" Hindi ko alam kung okay ba sila nitong pangalawang kuya nya o hindi eh kasi parang may galit din sa tono ng pananalita nya kay Dave.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...