Kinabukasan...
"Sure kaba na makikipagkita ka dyan sa lalaking yan?" Sabi ni Dave habang naglalakad kami papuntang school.
"Hindi ka pwedeng makipagkita, marami kapang gagawin sa bahay!" Pagalit na sabi ni Zeus.
"Pau, baka kung anong gawin sayo nyan!" Sabi ni Rad.
"Teka nga! Teka nga lang! Pwede ba chill lang kayo? Makikipag meet lang naman ako at isa pa hayaan nyo na ko first time ko lang na may makakapansin sakin!" Hala! Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Bakit masaya ako? Nasan na yung Paulo na walang oras para sa mga ganito? Yung Paulo na may kailangang patunayan? Yung Paulo na may hinahabol pang kinabukasan? Hindi naman siguro masama? Ngayon lang naman eh.
"Sabihin mo lang kung kailangan na naming iimpake yung mga gamit mo at kung aalis kana sa bahay para makahanap na kami ng papalit sayo!" Pagalit na sabi ni Zeus sabay naglakad na sya papasok.
"Ha? Anong problema nun?" Sabi ko sabay tingin kay Dave at Rad na sinagot lang ako ng kibit balikat.
Tinignan ko lang si Zeus papalayo hanggang sa matabunan na ng mga estudyante ang mga mata ko. Ano bang problema nya? Gusto naba nya kong paalisin sa borading house? Di naman nya siguro sasabihin yun kung walang ibig sabihin eh.
"Tara na." Aya sakin ni Dave habang hinaharangan nila ng mga kamay nila ang dadaanan namin sobrang dami parin kasi ng tao dito na nagsisigawan, hindi ba sila nagsasawa?
"Ang haba naman ng buhok mo girl!" Sigaw ni Joan ng ikwento ko sakanya na may imi-meet ako later after school
"Wag ka ngang maingay dyan!" Sabi ko habang nahihiya pero medyo kinikilig din. First time ko lang kasi na maranasan yung ganito.
"Baka naman modus lang yan ha!" Dagdag pa ni Joan sabay upo at nilabas yung baon nya. Lunch break na namin ngayon at sa maniwala kayo o hindi sobrang gulo ng utak ko kanina ni hindi ko na nanaman maintindihan yung lesson kanina. Parang napapaisip nga ako eh simula talaga ng makasama ko yung 3 annoying men nayun sobrang nahihirapan nakong mag focus sa pag aaral, not to mention baka maubos na yung savings ko dahil wala pakong nahahanap na part time.
Pagkatapos namin kumain babalik na sana kami ng room ng bigla kaming napahinto dahil sa tumpok na estudyante sa di kalayuan.
"Ano yun?" Tanong ko. Alam ko hindi dahil yun sa tatlo dahil hindi naman sila nag sisigawan. Ano kaya tinitignan nila?
"Ahh.. ayan yata yung basketball tournament ng school natin, nako tara na!" Yaya ni Joan sabay hila sakin.
Maglalakad na sana kami ng may sumalubong saming dalawa ni Joan na estudyante at binigyan ako ng papel na nakatupi. Pagkaabot na pagkaabot sakin ng papel agad na umalis yung babae, hindi ko tuloy natanong kung ano o kanino galing tong hawak kong papel kaya namang binuksan ko nalang para tignan.
"Ohmygad! Totoo nga! Gurl grabe sobrang haba na ng buhok mo!" Nagulat ako kay Joan ng sumigaw sya kaya naman napatingin ako sakanya na ngayo'y nakatingin sa hawak kong papel. At talagang nauna pa syang basahin tong hawak ko ha.
Galing pala kay Archee yung papel at sinabi nya na magkita raw kami sa coffee corner, coffee shop yun na malapit lang dito sa school namin.
Pagkatapos ng klase namin nagpaalam agad ako kay Joan na aalis nako, ayoko kasing maghintay si Archee sakin sa cafe first time pa naman namin magkita.
"Hindi mo ba ako isasama?" Pahabol ni Joan ng maglakad nako malapit sa pintuan.
"Next time nalang haha baka mahiya sya eh!" Sabi ko at lumabas na ng pinto pero napatigil ako ng makita ko sa harapan ko si Dave at Radcliff sa likod naman nilang dalawa ai Zeus na nakatalikod samin at nakatingin ng malayo.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...