"Ilang araw nalang mag se-sembreak na tayo. Sasama kaba sa educational fieldtrip natin?" Tanong ni Joan habang nagtu-toothbrush."....."
"Huy, Pau! Ano kaba! gumising kana nga! 2 days kanang ganyan! hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko kila Rad kung bakit ba nandito ka! Tumayo kana nga dyan at baka ma-late pa tayo!" Sabi ni Joan.
"...."
"Nako ha! Tigilan mo nayan! Nasan na yung Paulo na kilala ko na hindi naapektuhan ng kahit anong ganap wag lang bumaba ang grades? Kala ko ba may kailangan kang patunayan?!" Dagdag pa nya.
Kinuha ko yung kumot at nagtalukbong.
Naalala ko pa yung gabing marinig ko ang pinag uusapan nila Zeus at Archee.
2 days Earlier (night of the ball)
"Jo!"
"O Pau, anong nangyari sayo?"
Agad akong tumakbo papalapit kay Joan habang umiiyak, sobrang bigat ng nararamdaman ko, sobrang sikip ng dibdib ko. Kumikirot ang puso ko.
"Niloko nila ako Jo!. Niloko lang nila ako." Umiiyak kong sabi.
"Niloko? Nino!? Sino? Sinong nanlako sayo?"
"Akala ko kaibigan ko sila! Akala ko totoo lahat ng pinapakita nila sakin. Nagtiwala ako sakanila Jo pero puro kasinungalingan lang pala lahat! Arrrgghhhh!!!!
Ang tanga tanga ko!!!
Mga sinungaling!" Napaiyak nako ng malakas at hindi ko na mapigilan pa ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko niloko lang nila ako, pakiramdam ko pinaasa lang nila ako, akala ko totoo lahat ng pinapakita nila sakin yun pala pinagpupustahan lang nila ako.
Maliit na bagay pero iba ang impact sakin sa iba wala lang to pero sakin bakit sobrang sakit? Bakit pakiramdam ko pinaglaruan lang ako ng mga tinuturing kong kaibigan? Sobrang sakit hindi dahil sa ginawa nila kundi dahil mismo sakanila.
Nilagyan ko ng mataas na harang ang paligid ko para walang makalapit sakin na kahit sino even si Joan dumaan sa bintana ko para lang makapasok sya sa buhay ko pero yung tatlong yun.
Yung tatlong yun....
Binuksan ko ang bintana at pintuan para makapasok sila sa buhay ko, yun pala ganito lang ang ibabalik nila sakin.
Akala ko nakahanap nako ng bagong pamilya sa mga katauhan nila pero....
Nagkamali ako.
Pero hindi na bago sakin to, ni ultimo sarili ko ngang pamilya pinagtabuyan ako...
ang hindi ko lang maintindihan bakit ako pa? Bakit kailangan ako pa ang mapili nilang paglaruan?
Para ano? Para saan? Para malaman nila kung sino sakanilang tatlo ang magaling magpaikot?!
Kung sino mas magaling magpa fall sakanila?
Huminga ako ng malalim at inalala ko kung bakit nga ba ako nandito sa sitwasyon nato? Kasalanan ko rin naman na hinayaan ko silang makapasok sa buhay ko. Siguro tama narin na nangyari to para makabalik ako sa totoong goal ko sa buhay, kung bakit nag susumikap akong makapagtapos at makapag aral.
Bumangon ako sa pagkakahiga at agad na nag ayos. Para pumasok kasabay si Joan.
"Huy Paulo umayos ka nga. H'wag mong ipakita na ganyan ka!" Sabi pa ni Joan habang naglalakad kami papasok sa school.
Ng makapasok kami sa school nagulat ako ng biglang sumalubong sakin si Rad at agad akong niyakap pero hindi ko sya niyakap nakatayo lang ako habang tinitignan ang dalawa pang lalaking papalapit samin ni Joan.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romans****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...