Yumuko ako para itago ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
"Anong nangyayari dito?" Biglang singit ng beking nag utos sakin at lumapit siya samin. Kunwari pa sya na nagtatanong pero alam ko naman na naririnig nya yung pagsigaw sakin ni Zeus.
Hindi sila sumagot sa tanong ng beki bagkus nanatili lang silang tahimik pero ng magtama ang mga mata namin nitong beking nasa harapan namin nakita ko sya na ngumiti yung ngiting pang asar. Sya yung typical na bakla na kapag tinignan mo alam mo na agad na plastik at palaaway, hindi sya tulad ng ibang bakla na mababait talaga. Hindi naman ako galit sakanya pero hindi bagay yung kilay nya sakanya!
"Nako naiintindihan ko naman kayo kung galit kayo dyan sa assistant nyo. Kahit ako maiinis dyan eh tignan nyo ang ayos ayos ng pakiusap ko sakanya kanina, mali mali naman yung pinagbibili, kakaloka! Parang hindi assistant!" Sabi ng beki sabay tawa.
"Haay nako akina nga yan! Ang tagal tagal mo! Yan na nga lang trabaho mo hindi mo pa maayos!" Sabi nya sabay agaw ng dala kong tinapay. Napatingin ako sa kanya at inirapan nya ko. Nakita ko rin si Dave na pumikit at huminga ng malalim samantalang si Zeus ay nakatingin lang ng malayo na parang sobrang lalim ng iniisip.
"Teka nga, teka nga lang. Ang ibig mo bang sabihin kaya nawala si Paulo dito sa studio dahil inuutusan mo sya!?"
"Ay oo! Pasensya na ha! Wala kasi kaming mautusan kanina kaya inutusan ko nalang yang assistant nyo. Atleast ngayon alam nyo na, na mali-mali sya. Nako kung ako sa inyo palitan nyo na yan, humanap nalang kayo ng iba." Sabi nya sabay ngiti.
"Anong karapatan mong utusan si Paulo?!" Nagulat ako at napalaki ang mata ko ng sabihin yun ni Zeus, Galit yung tono ng pananalita nya! Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
"Magbihis na kayo! Aalis na tayo!" Pasigaw na sabi ni Zeus sa dalawa at mabilis siyang pumunta sa dressing room nila. Samantalang tinignan pa ng masama ni Dave at Radcliff tong beking nasa harap namin bago sila sumunod kay Zeus.
"Teka anong nangyayari! Bakit kayo nagbibihis hindi pa tayo tapos!" Sigaw ng direktor at nagkagulo na nga dito sa studio. "Zeus, Zeus teka lang. Ano bang problema?" Dagdag pa ng Direktor habang pinipigilan si Zeus.
Nang nagkakagulo na agad akong tumakbo sa dressong room nila, sumunod din sa loob yung mataray na beki.
"Pasensya kana Zeus, isa pa hindi mo naman kailangan magalit sakin, assistant nyo lang naman yang inutusan ko eh, no harm done." Singit niya."Hindi lang sya basta bastang Assistant Teody! Kaibigan namin sya kaya wala kayong karapatan na utus utusan lang sya sa mga personal needs nyo! Ang usapan natin magmomodelo kami ng mga brand nyo pero wala sa usapan natin na gagawin nyong tagabili ng tinapay tong kaibigan namin!"
Nagulat ang direktor at napatingin sakin. Mabilis na humingi ng paumanhin ang direktor at pilit na pinipigilan silang tatlo na umalis. Pinahingi rin ng despensa si Teody sakin. So Teody pala ang panagalan nya.
Nung una nasaktan ako dahil sinigaw sigawan ako ni Zeus pero ngayon iba na yung nararamdaman ko. I mean hindi ko inaakalang magagalit sya dahil sa ginawa sakin ni Teody. Pero deep inside naman nung una palang na utusan ako ni Teody naramdaman ko na agad na gusto nya kong pahirapan, alam ko naman na mainit yung dugo nya sakin simula palang. Hindi nya siguro matanggap na ako yung assistant ng tatlong itlog nato. Kaso nagkamali sya dahil kaibigan ang turing sakin nilang tatlo.
Pero sakabila ng lahat ako na mismo ang nakiusap sakanila na tapusin na nila ang picture taking nila dahil nang hihinayang ako sa kikitahin nila, namin. Tutal andito narin naman kami kaya mas okay kung ituloy nalang namin at tapusin na. Hindi ko alam kung anong ginawa o nasabi ko pero pagkatapos ng lahat napapayag ko rin si Zeus na tapusin nalang yung shoot nila.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...