Chapter 21: a night to remember part 1

1.2K 50 5
                                    

Halos wala akong gana ng umuwi ako sa bahay, sobrang sakit na nga ng mga kagat ng bubuyog sakin sobrang sakit pa ng puso ko.

"Pau?" Bungad ni Rad sa sala.

"Oh Rad? Kumain kana?" Tanong ko at sinagot nya ko ng pag iling.

"Nasan si Dave?"

"Wala parin sya eh. Mag isa lang ako rito."

"Ah okay, sige sige magluto nalang ako." Sabi ko.

"Ano palang nangyari sayo?" Napatigil ako sa paglalakad ko at napaharap ulit kay Rad. Don't tell me, alam nya na sinundan ko sila Zeus?!

"Ha?"

"I mean bakit ang dami mong spot sa skin mo na namamaga? Rushes bayan? Baka may allergy ka?" Kagat ng bubuyog yan! Sobrang kaba ko kala ko nakarating na sakanya yung ginawa namin ni Joan.

"Ah baka nga allergy hahahaha!" Sabi ko nalang." Sige akyat muna ako, tas lutuan kita ng food ha?" Sabi ko na sinagot naman nya ng pagtango.

Nagmadali akong magpalit ng damit and this time ng jacket ako para walang ibang makakita ng kagat ng bubuyog mahirap na.

Pagbaba ko nagulat ako, nandun na si Zeus kausap si Rad sa salas? Teka ano ba pinag uusapan nila? Teka teka!? Baka ikwento ni Rad yung nakita nya sa katawan ko bago makaramdam si Zeus!? Ohmygad! Ohmygad!

"Radddddd!!!!!!!" Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko ang sarili ko sa harap nilang dalawa habang nakaturo pa ang daliri ko kay Rad.

Gulat na gulat sila at nagtataka na nakatingin sakin. Hala napa-praning na ata ako!!!?

"Ahmmm. Ahhhhh...... Rad ano ahhh.. ano gusto mo ulam? Ay! mag hotdog ka nalang ha? i mean kayo! Kayong dalawa Hahaha baka di pa kumakain si Zeus eh hahaha! Teka ano pinag uusapan nyo?" Ha!? Bakit ba biglang lumabas to sa bibig ko?!

"Ha? O-okay kalang ba Pau?" Tanong ni Rad na naguguluhan parin.

"Kailan pa naging okay yan?" Sabi ni Zeus sabay ngiti, wait tama ba nakita ko ngumiti sya?

"Ikaw!" Sigaw ko sabay turo sa lalaking matangkad. Pero sinagot nya lang ako ng pag ikot ng daliri nya sa tenga nya na para bang sinasabing nababaliw nako.

Natawa naman si Rad sa ginawa ni Zeus. "Hindi kita lulutuan Zeus! Si Rad lang." Sabi ko at akma na sana akong maglalakad ng napahinto ako sa sinabi nya.

"Okay lang busog naman na'ko." Agad akong napatingin sa kanya, pero hindi na sya nakatingin.

"Ahh nga pala Pau, pinag uusapan namin yung darating na ball sa school." Napatingin agad ako kay Rad habang nalilito. Ha? Anong ball? Wala naman akong naririnig na magkakaroon ng ball?

"Hindi kaba aware Pau na may ball? Meron din tayong educational field trip bago mag summer break."

"Ha!? A-ano?! Sye-Syempre aware ako! Wala lang talaga sa isip ko" sabi ko nalang.

"Sa itsura mo? Sa tingin ko hindi mo alam." Napakagat ako ng labi, pinipikon ba'ko nitong matangkad na lalaki na'to? At bakit parang dumadami na mga salitang lumalabas sa bibig nya! Presyong divisoria naba ang presyuhan ng mga salita nya at humahaba na mga sinasabi nya!?

*Aaaraaaaayyyyy!!!!!!!!

Bumalik ako sa katinuan ko ng bigla akong makaramdam ng sakit sa nuo ko! Pinitik ako sa nuo ni Zeus!!!!!! Bwisit talaga sya pero ang mas hindi ko kinaya yung mukha nya sobrang lapit nanaman sa mukha ko!!!!

"Kung anu-ano na naman iniisip mo, at bakit ka naka jacket?"

"Ha?"

"Ahh oo nga pala may gamot kaba Zeus sa rushes?" Nanlaki yung mga mata ko ng sabihin yun ni Radcliff.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon