Chapter 12: BBQ night

1.4K 71 0
                                    

Pagkatapos kong magpaalam kay Archee kahit pa sa totoo lang ayoko pang maghiwalay kami pero kailangan kong magmadaling umuwi ng bahay para konprontahin tong tatlong itlog nato sa ginawa nila! Sobrang nakakahiya yung ginawa nila!

Nagmadali akong umuwi para kung sila man yun which is alam ko naman na, na sila naman talaga yun, Nako humanda talaga kayong tatlo sakin! Naiinis talaga ako sainyo! Ano naman kaya ang makukuha nila kung masira nila yung first date ko! At take note first date ko yun!

Pwede na siguro ako sumali ng track and field dahil puro nalang ako takbo simula kanina. Hingal kabayo ako ng makarating ako sa labas ng bahay at dali dali kong kinuha yung susi sa bag ko at agad na binuksan yung pinto para maayos ko na yung mga gamit na gagamitin ko sa pagpatay sa 3 annoying men!

Pero nanlaki yung mga mata ko ng pagbukas ko ng pinto, nakita ko silang tatlo!

Tumingin ako sa kanilang tatlo na para bang sinisiyasat, ang pinaka-cute sakanila nakatayo malapit sa flower base na kung ano yung tinitignan nya. ang isa naman na madaldal sakanila may hawak na tasa habang nakaupo sa sofa sa kabila naman ng sofa yung pinakamatangkad sakanila na may hawak na libro at payapang nagbabasa.

Wow! Normal na normal yung aktingan nila eh no? Kala mo naman hindi ko alam na galing din sila sa pinang galingan ko, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit mas nauna pa sila sakin.

Naglakad ako papalapit sakanila.

"Oh Pau, andyan kana pala! Hindi ka namin napansin!?" Sabi Dave.

"Talaga? Kararating ko lang eh. Kanina pa kayo?"

"Ha? Oo eh hehe. Kamusta pala yung date mo?"

"Uhmmm. Ayun--" Sabi ko pero napatigil ako ng mapansin ko yung pawis nya sa noo at sa gilid ng mukha nya, tumingin din ako kay Zeus na pawis na pawis din yung gilid ng mukha, sabay tumingin din ako kay Radcliff na nagulat pa ng magtama yung mga mata namin.

"Okay sana eh meron lang nang gulo."

"Ahh ganun ba?"

"Ang init dito no? Ba't pawis na pawis kayo?!"

"Ah ano-- ahh ano kasi ahhh... dahil siguro dito sa kape ko! Haha oo tama nagpainit kasi ako ng tubig eh hahaha!"

"Talaga? May mainit pabang tubig?!" Tanong ko para kung meron pa kukunin ko yun at ibubuhos ko sakanilang tatalo. ng aakma nakong maglakad papuntang kusina para kunin yung takore bigla akong niyakap ni Dave.

"Gusto mo BBQ? Bumili kami at marinated na!! Tara sa labas! Hahaha!" Biglang sabi ni Dave.

Natatawa nalang ako sa kanila, anong kala nila sakin tanga? Hindi ko malalaman na sila nga yung tatlong kumag na nanira ng first date ko! At hindi nila ako madadala sa mga pa-BBQ nila!

"May sweet and spicy flavor! Tara na kain na tayo!" Sabi ni Dave at tumakbo sa labas.

Pagkasabi ni Dave na kakain kami ng BBQ agad na tumakbo si Radcliff at Zeus sa labas para ayusin yung pag iiyawan ng BBQ. Talagang ang bibilis nila ha para hindi ko na sila tanungin!?

Sige since na nag effort naman silang bumili ng maraming BBQ na iiyawin namin, papalagpasin ko muna yung ginawa nila.

Hinayaan ko lang si Dave na mag iyaw habang magkasama kaming nakaupo nila Zeus at Radcliff sa labas at ginagawa nila ang lahat para hindi magtama yung mga mata namin.. kunwari busy silang dalawa, natatakot siguro sila na bigla ko silang kausapin.

Nang mapansin kong sobrang tagal na ng pag iiyaw ni Dave nilapitan ko na sya. Pag lapit ko nanlaki yung mga mata ko sa gulat dahil sunog na lahat ng iniihaw nya! Jusko mahabagin!!!!!! OMG!!!!

"Ako na nga dyan Dave!" Sabi ko at official na nga, ako na ang taga ihaw! Sayang din yung mga sinusog nya!!

Habang nag iiyaw kaming dalawa ni Dave bigla kong naalala yung sinabi ni Zeus sakin kaninang umaga, kung bakit ganun yung naging reaksyon nya.

"Ah Dave matanong ko lang kasi kanina, Bakit pala ganun nalang yung naging reaksyon ni Zeus sakin?" Sabi ko sa mahinang boses.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Kanina kasi hindi ko maintindihan bakit parang nagalit sakin si Zeus ng malaman nyang makikipag meet up ako? Sinabihan nya pako na kung iimpakehin nya naraw mga gamit ko? Galit ba sakin si Zeus? Or ayaw nya lang talaga sakin?" Sabi ko sa malungkot na boses.

"Ahhh.. ayun ba? Hmmm.. sa tingin ko hindi naman galit sayo si Zeus at lalung lalong hindi naman sa ayaw nya sayo. Sa tingin ko?... hmmm... hindi ko alam kung ako ba talaga ang dapat na magkwento sayo nyan pero sige since na naopen mo nayan hmmmm... siguro ang nakikita ko lang dahilan kaya naging ganun ang reaksyon nya dahil kay Mary Ann."

Kumunot ang noo ko at napatanong kay Dave."Marry Ann? Sinong Mary Ann?"

"Girlfriend ni Zeus."

Nanlaki yung mga mata ko sa nalaman ko kay Dave. "Girlfriend? May girlfriend si Zeus?!!!!"

"Well yes, and Ex girlfriend nya si Mary Ann." Napatango nalang ako bilang pagsagot sa sinabi ni Dave.

"Actually hindi ko pa masabi na 100% na Ex na nya kasi naman bigla nalang umalis si Ann nun eh, kung baga wala silang closure pero siguro naman understood na yun na break na sila." Dagdag pa ni Dave.

"Ah... bakit ba umalis si Ann?" Tanong ko. Pero syempre kunwari hindi ako interesado pero sa totoo lang gusto ko talagang malaman.

"Hindi ko na matandaan yung exact na nangyari eh, pero sa maniwala kaman o hindi, alam mo ba na masayahing dati si Zeus? As in parang mas madaldal at mas makulit pa ata sya kesa sakin eh."

"Talaga? Anong nangyari!?"

"Ayun na nga, simula ng iwan sya si Ann, naging ganyang na sya. Cold hindi nagsasalita at bukod sa lahat nahihirapan na syang magtiwala sa ibang tao. Kaya nga siguro nasabi sayo yun ni Zeus na kung aayusin naba namin yung gamit mo, kasi pagkakaalala ko ganun din si Ann noon, isang araw may naka-meet sya bago pag balik nya umalis na sya. Sa tingin ko siguro may trauma na si Zeus sa ganung senaryo na feeling nya iiwan ulit sya."

Nang marinig ko yung sinabi ni Dave tungkol sa nakaraan ni Zeus may naramdaman ako ng kung anong kirot sa puso ko at napatingin ako kay Zeus sa di kalayuan habang kumakain ng BBQ.

"So asan na ngayon yung Ann?" Tanong ko kay Dave.

"Uhmm.. di ko--- teka pang sampung stick mo naba ng BBQ yan?"

"Ha?! Oo pero teka hindi natin topic kung ilan na yung nakain kong BBQ! Ano may balita paba kayo kung nasan na yung ex gf nya?"

"Ang huli kong pagkakaalam nasa----"

"Ooooy! Anong pinag uusapan nyo? Bakit ang tagal ng BBQ!" Sigaw ni Rafcliff habang naglalakad sya papalapit samin. Kaya naman naputol yung pag uusap naming dalawa.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon