May katapusan paba tong mga nilalabahan ko? Sobrang dami ng damit nila! Parang hindi nauubos! Pano sila nakakasurvived kung hindi sila naglalaba!
"Wala bang naglalaba sainyo Dave?" Out of the blue bigla kong naitanong.
"Dati meron, yung part time kasambahay namin. Pero matagal na syang umalis eh mag half a year narin." Wwwwwhhhaaaaaat!!!!!??????
"So after nun, wala ng naglalaba? Kahit kayo?"
"Uhm, di kami marunong maglaba eh, ayaw rin naming masira yung kamay namin dahil sa sabon." Seryoso ba sila? Dyusko ang puso ko. Feeling ko hihimatayin ako sakanilang tatlo. Bakit hindi nalang sila mag hire nalang ulit ng taga laba nila!!!!
"Anong ginagawa nyo pag wala na kayong masuot?"
"Bumibili nalang kami ng bagong damit o kaya sinusuot nalang namin yung mga damit dyan na okay pa. Hahaha" bakit parang proud na proud pa sya!!!????
Hindi sila marunong magluto, hindi sila marunong maglaba dahil ayaw nila sa sabon? Ibig sabihin hindi rin sila naghuhugas ng mga plato at kutsara pag ginagamit nila?! Pero malinis naman yung kitchen eh nahugasan ko naman yung mga plato, baso at mga kutsara't tinidor.
Malapit nakong matapos sa mga damit ni Dave pero bakit nandito parin silang tatlo nakatambay? Pwede naman silang umupo sa living room o manuod ng TV, baka iniisip nila aamuyin ko or kukunin ko yung underwear nila? Eeew hindi naman ako ganun.
"Zeus, yung mga damit mo ilabas mo na para malabahan narin natin." Sabi ko sa malambing na boses para naman maayos yung sagot nya.
"Ayaw."
Aaarrrggghhh! Babatuhin ko na sya ng sabon! Pigilan nyo ko.!!!!!!
Malamang kung ganito karami yung mga maruruming damit nitong dalawa ganun din tong kay Zeus.
"Saan yung kwarto ni Zeus?" Tanong ko kay Dave na agad naman nyang sinagot.
"Di mo ba alam? Magkatabi kayo ng kwarto."
Pagkasabi ni Dave agad kong binitawan yung hawak kong damit at nagtungo sa kwarto ni Zeus.
"San ka pupunta!?" Sabi ni Zeus na agad naman sumunod sakin.
"Hayaan mo na Zeus para sayo rin naman yan." Narinig ko pang sigaw ni Dave.
Nang malapit nako sa pintuan ng kwarro ni Zeus agad syang tumakbo at humarang sya sa pinto.
"Anong ginagawa mo?!" Bakit parang kinakabahan sya?!
"Lalabahan ko na yung mga damit mo! Alam ko marami karing labahan!" Sabi ko sakanya, bakit ba nagkakaganito sya samantalang yung dalawa kalmado lang at chill chill lang sa baba.
"Ayoko." Sabi nya sabay iwas ng tingin sakin. Huminga ako ng malalim sabay tinulak ko sya ng dahan dahan papalayo sa pinto ng kwarto nya para buksan ito. alam ko muka nakong pakilamera sa lagay nato pero para sakanya rin naman yung gagawin ko, sya rin yung mahihirapan pag hindi pa nalabahan yung mga damit niya, biruin mo bumibili sila araw araw ng damit para may masuot? Pano yung mga uniform nila? Kaya ba bilang na bilang yung mga galaw nila para hindi sila pag pawisan at magamit pa nila ulit yung uniform nila? Eeewww.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto nya agad akong pumasok, wala ng nagawa ni Zeus. Bakit feeling ko Nanay nya ko? Hahaha nanay talaga? Tatay? Hahaa magulang nalang.
Maayos naman yung kwarto nya wala akong nakikitang maduduming damit nya, mali ata ako? Baka naglalaba sya?
Mukang marunong naman sya maglaba baka kaya ayaw na nya akong umakyat dito. Tumalikod nako at ngayon nakaharap nako palabas ng kwarto nya at nakita ko ang matangkad na lalaking nakatayo sa harap ng pintuan na nakahawak sa ulo nya. Parang hiyang hiya sya.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...