Chapter 14: Foundation Day 2020

1.5K 74 0
                                    

Ito na ang hinihintay naming lahat! Mixed emotion ang nararamdaman ko, masaya at excited ako pero at the same time kinakabahan ako para sa 3 annoying men! Si Rad kasama sa basketball tournament, si Dave naman sa swimming at ito namang lider nila representative ng department nila sa pa-pogian haha pero bakit nararamdaman ko na hindi nako magtataka kung si Zeus na ang manalo sa king of the night?

Ako lang ang walang sinaliyan ngayong foundation saming apat haha ganun pa man sisiguraduhin ko naman na susuportahan ko silang tatlo kaso ang hirap hindi ko alam kung saan ako pupunta sakanila magkaka overlap ang start ng mga sinalihan nilang paligsahan.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta, sa masasarap ba? Sa mga hot? O sa mga hearthrob. Basketball, swimming o department's star.

"Pau, dun ka sa harap umupo ha para di ako kabahan." Sabi ni Rad habang kumakain kami.

Ngumiti ako."syempre naman! Ichi-cheer kita hehe!"

"Oh teka lang, bakit si Rad ichi-cheer mo? Pano naman ako? May laban din ako!" Sabi ni Dave.

"Eh kaya mo naman na yan Dave eh, sanay kanang sumali sa mga tournament ako ngayon lang kaya need ko si Paulo."

"Ha? Ediba naglalaro kana ng basketball nung highschool ka? Pero bigla kanalang nag stop? Paulo ano? Sa swimming ka nalang manuod."

"Ha? Paulo diba sabi mo sa sakin ka manonood?"

At tuluyan na nga silang nagtalo dalawa ng may bigla akong narinig.

"Eeerrrmmm..."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog, galing to kay Zeus na umiinom ng tea.

Napahinga lang ako ng malalim... haaaay! wag mong sabihin sya rin!? Kahit hindi sya magsalita which is hindi naman talaga nya gawain mag salita bakit feeling ko isa rin syang nakikipagtalo dito sa dalawa cold war nga lang yung sakanya.

Pano ko naman kaya hahatiin yung katawan ko sakanilang tatlo? At bakit kailangan na andun ako sakanila para mag cheer alam naman nating lahat na marami silang mga fans sa school at alam natin na kahit hindi nila sabihin mag chi-cheer at mag chi-cheer yung mga fans nila para sakanila.

"Sanadali nga lang! Ganito nalang. Tutal mauuna ka ng konti Rad sayo muna ako pupunta, bago pag nag start na yung sainyo Dave pupuntahan naman kita. Okay bayun?" Sabi ko, napaisip naman silang dalawa.

"Errrm!" Napatingin naman ako kay Zeus ng umubo pa kunwari.

"At since ikaw naman ang huli pagkatapos ng laban nila Rad at Dave sayo naman ako pupunta. Okay?" Sabi ko pero hindi sya sumagot! Letse ka talaga!!!!!!

Wala kaming klase ngayon kaya naman pag pasok namin sa school mas maraming estudyante ang sumalubong samin! Nako naman! Pero natutuwa ako dahil halatang halata na prinoprotektahan ako nitong tatlong kasama ko para hindi ako maipit sa mga nagkakagulong estudyante.

"Pau! Wag mong kakalimutang pumunta sakin ha!" Pag papaalala ni Dave dahil diretsyo nako sa gym para sa laro ni Rad. Andun narin si Joan at naghihintay na sakin. Sinagot ko lang sya ng pagtango at ngiti.

Pagdating namin ni Radcliff sa entrance ng gym naghiwalay na kami at nagpaalaam sa isa't isa, ako sa entrance ng gym pumasok habang sya naman sa athlete entrance sya pumasok.

"Rad! Kaya mo yan!" Sabi ko kay Rad at tinaas yung kamao ko para icheer sya ng personal, sinagot naman nya ko ng ngiti at tinaas din ang kamao nya.

Sa harapan kami nakaupo dahil may seat number kami, todo pasalamat naman si Joan kasi binigyam ko rin sya ng ticket alam ko kasing bet na bet nyang manood ng mga lalaking nagbabasketball. Yung unang baytang lang ang may mga seat number para sa event nato, para yun sa mga kaibigan ng mga player samantalang the rest ng mga upuan sa pangalawa hanggang pang anim na baytang first come first serve na.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon