Chapter 18: Love sick

1.4K 69 21
                                    

Pagkatapos ng lesson namin nauna na si Joan, may dala kasi syang bike samantalang ako sasakay pa ng jeep. Hindi parin mawala sa isip ko yung nakita ko. Bagay na bagay silang dalawa, parang ginawa sila para sa isa't isa.

"Pau, nagugutom nako." Sabi ni Rad.

"Meron dyan hotdog, ayan nalang kainin nyo." Sabi ko sa mahinang boses.

"Pau! Hindi kaba nagluto!?" Sigaw ni Dave.

"Meron dyan." Sabi ko sa malungkot paring boses sabay naglakad nako papaalis ng kusina.

"Okay kalang ba?" Tanong ni Dave. Tumango ako ng dahan dahan.

Napalingon ako sa pintuan sa salas ng marinig kong bumukas ito.

"Oh andyan na ata si Zeus." Sabi ni Dave.

Bigla naman akong nataranta at napatakbo sa taas ng kwarto ko.

"Anong nangyari dun?" Narinig ko pang sabi ni Zeus.

Pagkatapos nun hindi nako lumabas ng kwarto at pinilit kong makatulog kahit pa hindi ako makatulog, ilang oras lang ata ang tulog ko at maaga akong pumasok ng school pero bago naman ako umalis nag iwan naman ako ng breakfast nila.

Huminga ako ng malalim at nilapat ko ang ulo ko sa table ng bench.

"Hala, ano bang nagyayari sayo?" Tanong ni Joan.

"Hindi ko rin alam..." sabi ko sa mahinang boses pero hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko, normal lang ba tong nararamdaman ko?

"Nga pala kamusta na si Radcliff?"

"Okay naman sya...."

"Okay kalang ba?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Joan. "Oh my god!"

"Oh bakit!?" Sabi ko at napatingin sakanya, gulat na gulat sya pero bumalik lang ulit ako sa pagkakahiga ng ulo ko sa table, wala kasi ako sa mood para makipag usap sakanya.

"Pau... tama ba'tong nakikita ko?"

"Nakikita ang alin?" Sabi ko.

"Love sick ka?"

Napabangon ako at napatingin ulit kay Joan. "Love sick ka dyan? Ba't naman ako malo-love sick! Hahaha!"

Umiling si Joan na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. "Kahapon naman okay ka eh, bago ngayon para kang lantang gulay dyan. Tignan mo sarili mo.. hmmmm.. may kinalaman ba'to sa tsismis na nasagap ko kahapon?"

"Ano bang sinasabi mo dyan. Masakit lang ulo ko! Kulang kasi ako sa tulog." Paliwanag ko.

"Ah talaga ba? Tinatamad kaba?" Sabi nya.

"Oo." Ano bang tanong yan!?

"Mabigat yung pakiramdam mo?"

"Oo."

"Parang wala kang ganang kumain!?"

"Oo."

"Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa dibdib mo? At parang nahihirapan kang huminga?"

"Oo----ha! Anong sinasabi mo!"

"Love sick nga! Wag mo nang ikaila, sabi ko na nga ba eh! Wait don't tell me????!!"

"Haaaa? Ano!? Wala!!!??" Bigla akong nagpanic ng makita ko ang itsura ni Joan.

"Ano ba kasing nangyari kahapon?" Huminga ako ng malamin at kinwento ko kay Joan yung nakita ko kahapon.

"Wait nga lang, wait lang hindi maprocess ng utak ko. So totoo nga yung tansya ko?! may gusto kana kay Zeus eh! Kailan pa!?"

"Anong gus-- kay Zeus?! Ako!? May gusto ako kay Zeus?! Hahaha pinapatawa mo naman ako! pano ako magkakagusto dun eh wala ngang pakilam sakin yun! Walang expression, hindi marunong magsalita, tahimik. Basta marami pa!"

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon