Dumaan ang isang araw, dalawa, tatlo at limang araw pero hindi parin umuuwi sa bahay si Radcliff, hindi narin sya pumapasok kaya naman sobra akong nag aalala kung ano ng nangyari sakanya, halos tahimik narin kami sa bahay habang kumakain ng breakfast at dinner pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko hindi kami buo kung wala si Radcliff.
Sobrang nami-miss ko na sya at alam ko ganun din nararamdaman nina Dave at Zeus, hindi man nila sabihin o ipakita sakin nararamdaman ko parin na nami-miss na nila si Rad. Kahit sa school kumalat na parang apoy ang balita na wala na si Radcliff sa 3 handsome men maraming balita at chismis ang nagkalat sa loob ng campus ang iba pa dun sinasabing patay naraw sya dahil sa nangyari nung tournament. Ang iba naman sinasabing nag away silang dalawa ni Dave dahil sakin.
Minsan matatawa kanalamg pero kahit ganun paman hindi parin maalis sa isip ko na wala parin kaming balita kay Radcliff. Kahit cellphone nya hindi namin makontak, ano na kayang nangyayari sakanya?
Pero araw ng sabado, hapon. hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tinanong ko na si Dave kung saan nakatira si Radcliff una ayaw nya pang sabihin pero nararamdaman ko na gusto nya ring sabihin dahil gusto nya rin malaman kung kamusta naba si Radcliff.
Nagmadali kaming pumunta sa bahay nila ang hindi ko inaasahan ang pagsama ni Zeus saming dalawa ninDave. kahit pa na hindi mo sya yayain ay kusa syang sumama ng malaman nyang pupunta kami sa bahay ng kaibigan namin.
"Wait, Dave sure kaba na ito yung bahay nila Rad?" Nag aalinlangan kong tanong sakanya.
Ginala ni Dave yung mata nya at tumango. "Last time na punta ko rito? Ito nga yung bahay nila."
"Ha!?" Napasigaw ako sa gulat.
"Bakit?!" Nagulat din si Dave.
"Bahay nila to? Uulitin ko bahay ba nila to?"
"Oo nga."
"Eh bakit parang hotel tong nakikita ko sa harapan ko?! hindi kaba nagkakamali? Icheck mo nga ulit. O baka naman pina prank moko!?" Sabi ko kay Dave.
hindi talaga ako makapaniwalang bahay to nila Radcliff.
Sobrang lawak ng bakuran nila na may matataas na bakod at ang gate nila ang laki pero matatanaw mo parin yung loob ng bakuran mula sa gate.
napakalawak! maraming puno at mga dekorasyon ang nandito. sa gitna ay isang malaking fountain at di kalayuan sa fountain makikita mo ang harap ng bahay nila na mala hotel ang style.
Napakamot ako ng ulo sa pagtataka at halos matanggal na ang bibig ko sa sobrang gulat. Hindi ko akalain na may kaibigan akong sobrang yaman! Totoo ba'to?! Pero alam ko naman na mayaman silang tatlo pero hindi ko naman inakala na ganito sila kayaman! Bakit ang unfair ng tadhana biniyayaan na nga sila ng yaman sa mundo bago ang gwa-gwapo pa nila.
"Huy! Ano na naman iniisip mo!" Bumalik agad yung isip ko ng pitikin ako ni Zeus sa noo, pero nanlaki yung mga mata ko ng makita kong sobrang lapit na ng mukha nya sakin. "Ang weird mo talaga." Sabi nya pa sabay naglakad sya sa guard house nakatayo narin si Dave dun.
Paglapit namin tumingin si Dave at umiling sya samin.
"Ayaw tayo papasukin."
"Ha bakit daw?" Tanong ko agad at humarap sa guard nila.
"Kuya kaibigan po kami ni Radcliff, gusto lang po sana namin sya kamustahin."
"Nako sir, pasensya na po talaga. Hindi po kami tumatanggap ng bisita ngayon lalo na hindi po namin alam kung kaibigan po talaga kayo ni Sir Radcliff."
"Kuya, kakamustahin lang naman po namin sya kahit sandali lang po."
"Sorry talaga sir."
"Ano bayan kuya kakausapin lang naman eh, ang higpit higpit nyo naman." Sabi ko pero agad akong hinila ni Dave papalayo sa guard.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...