First night ko sa bago kong boarding house at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasama ko lang sa iisang bubong ang 3 handsome men.
Hindi ba talaga to prank!? O baka naman bagong TV show to? kung saan ipapalabas ang buhay ng isang ordinaryong estudyante kasama ang tatlong sikat na estudyante?!
Ahhh! Ang sakit ng ulo ko! Kakaisip kung bakit ako nandito sa sitwasyon nato! At dahil sa kakaisip ko ni hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi, basta ang alam ko lang maaga akong nagising ngayon! 8:30 pa ang usual na pasok ng mga estudyante pero 5:09 palang ng umaga gising nako.
Bumangon ako sa kama at agad na bumaba sa dining area, pagkakaalala ko sabi sakin ni Dave kahapon para saming apat ang lahat ng pagkain sa ref kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko at binuksan ko yung ref namin, halos malaglag yung panga ko ng makita ko ang laman ng ref! Sobrang dami ng laman! Ano ba'to? Nagtitinda ba sila? Sobrang dami nilang supply ng pagkain pero parang hindi naman to nagagalaw. Hmmmmm... ipagluto ko kaya sila ng breakfast para naman maganda yung first impression nila sakin! Kahit pa na nagkita na kami kahapon Hahahahhaha! Baka makatulong pa yun in the near future kung magiging close kami! Wahahaha! tama! Kung magiging mabait ako sakanila, pag humingi ako ng tulong sakanila tyak ko di nila ako matatanggihan bwaaaahahahaha! (Parang tawa ng mangkukulam)
Nag saing muna ako ng bigas at hindi ko pa nasasabi sainyo ang dami nilang sako ng bigas! Feeling ko talaga pag nagkaroon ng zombie apocalypse makakasurvive yung titira dito kahit isang taon pa. Tutal libre naman at para samin naman lahat tong pagkain nato, gagawan ko narin sila ng lunch para naman makapag tipid tipid kami at magamit din tong mga imbak na pagkain nila Hahaha! At talagang sinisipag akong magluto para hindi nako gagastos wahahaha!
Magluluto nalang ako ng chicken afritada para sarsa lang at walang sabaw. Sabay sabay kong niluto yung pagkain namin para mamayang lunch at yung breakfast namin na sopas! Malaki ang lutuan dito walo ang slot para sa lutuan at sa ilalim naman meron pang oven!
Sopas yung naisip kong almusal namin para naman mainitan din yung sikmura nila feeling ko kasi laging sa labas sila kumakain eh.
Nang matapos kong maluto ang lunch namin kumuha ako ng apat na container sa cabinet sa taas ng lababo nila at thank god! Marami silang pyrex na lalagyanan hehe sa sobrang busy ko magluto ni hindi ko na namalayan pa ang oras.
"Ano yan?" Napalingon ako sa may ari ng boses.
"Anong ginagawa mo?" Habol pa ni Radcliff habang kinukuskos ang mga mata, halata mong inaantok pa sya.
"Oh! Gising kana pala! Tara na umupo kana! Mag almusal kana." Ang cute ni Radcliff para syang batang mahiyain. Kinuhaan ko agad sya ng platito at kutsara sabay nilapag ko sa harapan nya ang mainit at creaming creamy na sopas. Yung sahog din pala ng sopas galing din sa chicken na ginamit ko para sa afritada hehe.
"Wow! Breakfast!" Bungad ni Dave.
"Ay sorry! Di nako nagpaalam, nagluto nalang ako, sabi mo kasi sati---"
"Are you kidding me!? Ngayon nalang ulit ako makakakain ng breakfast na lutong bahay!" Masayang masaya si Dave, muka namang nag eenjoy sila sa nakikita nila kaya naman kinuhanan ko nalang din sya ng platito at kutsara, sinama ko narin yung kay Zeus para kapag nagising sya nakahanda na yung para sakanya.
Sige kumain muna kayo dyan.
"Ang sarap Pau! Pwede bang ikaw nalang magluto para samin araw araw?" Sabi ni Radclif sa malambing na boses. Cuuuuuuuuteeeee! :) may bed hair pa sya! :3
"Osige! Ako bahala sainyo." Sabi ko nalang habang inaayos ko yung baon naming apat.
"Oh Zeus! Tignan mo! May breakfast tayo!" Masayang bati ni Dave. Seryoso ba sila? Ngayon lang ba sila nakakain ng breakfast? Hmmm halatang hindi sila marurunong magluto, aaahhhh so kaya pala ang dami nilang supply kasi wala namang nagluluto sakanila pero ang taning ko kanino galing yung supply nila?! Sa fans nila?!
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...