3 HOURS EARLIER
"Salamat." Sabi ng Ginoo pagkatapos nyang inumin yung binigay kong baso ng tubig.
kinuha ko naman agad ang baso para ilapag ulit sa table at nang makita ko syang sinusubukang bumangon mula sa pagkakahiga ay agad ko naman syang tinulungan para makaupo sa higaan habang nakasandal ng maayos yung likuran nya sa higaan.
"Si-sino ka? Nasan yung nurse? Pano ka nakapasok dito?"
"Ay sorry po, kaibigan po ako ni Dave, napapaso---" di pako tapos magsalita ng bigla akong hinawakan sa braso ng Ginoo.
"Asan ang anak ko? Andito ba sya? Asan sya!?" Sabi ng Ginoo.
Napatingin lang ako sakanya at napaisip kung pano ko sasagutin ang tanong nya.?"
Napatango lang ako sa kanya habang kitang kita mo sa mga mata ng lalaking to ang pagmamahal at pangungulila sa anak nya.
"Ta-tay po kayo ni Dave?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko, sa dinami raming pwedeng sabihin bakit ito pa yung nasambit ko?!
"Kamusta na sya? Okay lang ba sya? Mabuti-----" biglang natigilan ang Ginoo at napabitaw mula sa pagkakahawak sakin.
Malungkot ang mukha nya pero ngayong nakayuko sya mas lalo mo pang naramdaman ang pangunhulila ng isang ama sa kanyang anak. Ano bang nangyari sakanila? Bakit ganito nalang ang pag aalala at kasabikan ng Tatay ni Dave sa kanya?
Umupo ako para maging pantay kami ng Ginoo at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Madaldal po si Dave, makulit, maingay at hindi marunong sa gawaing bahay." Pagkasabi ko nun tumingin agad sakin ang Ginoo na para bang nabuhayan sa kanyang narinig.
"Pero kahit ganun po... Si Dave yung pinakamabait na taong nakilala ko, lagi syang nakaalalay samin, lagi nya kaming pinoprotektahan, kapag tahimik ang lahat sya po ang nagbibigay ng ngiti samin. Sya rin po ang dahilan kung bakit ako muling nagtiwala sa tao, napakabuti pong kaibigan ni Dave at kapag nakita nyo po sya ngayon magiging proud po kayo sakanya." Sabi ko na naging emosyonal narin at namuo na ang mga luha sa mga mata ko. Ganun din ang Ginoo habang sinasabi ko sakanya lahat makikita mo na parang narerelieve sya at natutuwa.
kung makikita lang to ni Dave malamang mararamdaman nya rin na proud na proud sakanya ang Tatay nya.
"Okay lang po ang kalagayan ni Dave at nakikita ko po na magiging maganda ang future nya kung yun po ang gusto nyong malaman." Dagdag ko pa ng maramdaman kong parang gustong kamustahin at malaman ng Ginoo ang kalagayan ng kanyang anak.
"Maraming salamat! Thank you! Thank you." Sabi nya habang umiiyak parin.
PRESENT TIME
Ilang segundo rin ang tumagal bago ihiwalay ni Dave ang labi nya sa mga labi ko. Gulat na gulat parin ako at para bang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Hindi ako makapaniwala na nangyayari to ngayon! Si Dave! Hinalikan ako sa labi?!!!! Sya ang naka una sa mga virgin kong mga labi!? Akala ko pa naman----
Nagkatinginan kami ni Dave at halata parin sa mukha ko ang pagkagulat pero bigla akong niyakap ni Dave ng mahigpit.
"Sorry, sorry! Di ko sinasadya." sabi ni nya. "okay lang, dont worry, its okay. Its okay." Sabi ko at hinimas himas ko rin yung likod nya. Naiintindihan ko naman kung bakit ginawa yun ni Dave lalo na sa kalagayan nya ngayon.
"Sir Dave! Ang Daddy nyo po!" Sigaw ng isang mamang nakasuot ng itim na suit isa sya sa mga lalaking nakita ko na kasama ng dalawa pang kapatid ni Dave.
"Bakit?! Anong nangyari?!"
"Ang Daddy nyo po gising na." Sabi ng lalaki.
"Buti naman, buti naman okay na si Dad." Bulong n Dave habang malungkot parin ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...