Chapter 1: Room for rent

3.1K 112 3
                                    

AAAAYYYiiiiiiieeeeeeeehhh!!!!!!!!

Pag ganitong oras talaga hindi ako makapag concentrate sa pag-aaral dahil sa mga sigawan ng mga babae at beking akala mo kinikiliti ang mga tinggel nila sa sobrang kilig! Pwede bang i-report to sa school admin!? Sobrang ingay nila!? Akala mo may parade o laban si Pacquiao.

"Huy! Anyare sayo!?"

"Nakakainis kasi tong mga estudyanteng to, akala mo nanalo na ng 5,000 sa will of fortune."

Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang tenga ko at binasa ulit yung libro na nasa harapan ko.

"OMG! Pau! Pau!" Natatarantang sabi ni Joan sabay hila ng mga kamay ko. "Aaray! Bakit!?"

"OMG! Dadaan sila dito! Dadaan sila dito!"

Tumingin ako sa natatarantang babaeng kaharap ko."Sino!?" Nakatingin lang ako sa kasama ko at sa isang iglap biglang umayos ang mukha nya, kailan pa sya nakapaglagay ng pulbo sa mukha nya? At teka? Naka lip balm na rin sya? Wala naman yan kanina ha!?

Lumingon ako kung saan nakatingin tong babaeng kasama ko kahit pa na alam ko na kung sino yung tinutukoy nya na sila sa sigaw at kilig palang ng mga estudyante. Alam ko na agad kung sino yun. Walang iba kundi ang 3 handsome men ng school namin, syempre bansag yan ng mga estudyante pero kung ako ang bibigyan ng chance kung anong magandang bansag sa kanila sa tingin ko mas maganda kung 3 annoying men.

Tumingin lang ako saglit sakanila pero sa saglit nayun nagtama pa yung mga mata namin ni Zeus ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo at lider ng grupo nila. Kung minamalas ka nga naman! Agad akong bumalik sa binabasa ko para mag aral. Oo gwapo silang tatlo pero wala akong oras para maging fan nila tulad ng mga estudyante rito dahil ako? May hinahabol pa'kong future... may kailangan pa'kong patunayan.

"Ay puta Pau! Nakatingin satin si Zeus! OMG! OMG! Anong gagawin ko! Naiihi ako!"

"Ano kaba! Umayos ka nga Jo! Dyusko mga tao rin naman yan! Mababaho rin utot nyan!" Biglang nag iba ang itsura ni Joan pagkatapos makalagpas ng 3 annoying men sa kinauupuan namin. By the way nakaupo kami sa mga bench sa labas ng building namin at sa likuran ko sila dumaan, buti nalang dun ako umupo para di ako nakaharap sakanila di tulad nitong si Joan nakaupo dito pero di naman nakalabas ang mga libro at notebook sa lamesa.

"Alam mo ikaw bitter ka masyado." Hindi pa pala sya tapos! Dyusko naman!

"Ha?!"

"Ang ganda ganda ng imagination ko eh, eto nayun oh! Eto na! Nakita ko sila ng malapitan pero bakit kailangan mo talagang sirain no?"

"Anong sinasabi mo!?"

"About sa utot, utot!"

"Bakit totoo naman yun ha!?"

"Sssshhhh!! Ayoko ng marinig." Sabi nya sabay kuha ng mga notebook sa bag nya.

"Alam mo, feeling ko hindi kana magkaka-jowa!"

Tumingin lang ako at ngumiti sakanya. "Hindi ko kailangan ng jowa no!? Ang kailangan ko mataas na grade."

"Nerd!"

"Ikaw! Hindi kita papakopyahin mamaya sa quiz!"

"Ay de joke lang hahaha, to naman di mabiro hehe. Ganda mo gorl ngayon oh! Teka parang nagbi-brighten yung skin mo. Nagko-kojic ka no?"

"Tumigil kana nga dyan haha! Mag review na tayo." Sabi ko at tumabi sakin si Joan para magpaturo.

"Pero di nga? Nagko-kojic ka na no?"

"Tumigil ka nga."

Lunch break na namin nun kaya naman bumili narin kami ng lunch para kumain habang nagrereview. Halos matunaw ang utak ko kaka-memorize ng notes ko para sa quiz namin mamaya, last subject namin yun kaya ngayon palang nagrereview na kami kasi wala na kaming oras mamaya dahil tuloy tuloy na ang klase.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon