Nagising ako at biglang napatayo mula sa pagkakahiga, ginala ko yung mga mata ko at dun ko napagtanto na nasa loob pala ako ng ospital at nasa emergency room kami.
Nang tumayo ako mula sa pagkakahiga agad akong nilapitan ng nurse para kamustahin pero hindi ko sya agad sinagot bagkus tinanong ko kung nasan si Joan.
Kinakabahan ako dahil tinignan pa ako ng nurse at hinila yung tela sa katabi kong higaan at nakita ko si Joan na nakahiga at natutulog.
"Okay naman sya, buti nakaiwas agad kayo sa jeep na nawalan ng preno at minor injury lang ang natamo nyo. Masakit paba yung braso at kamay mo?"
"Hi-hindi napo masyado, kumikirot kirot lang po."
"Basta inumin mo lang yung nireseta sayo ni Doc ha, and wag kang mag alala di naman masyadong napuruhan yung kasama mo, pero sa ngayon namamaga pa yung isa nyang paa, kaya baka mag stay pa sya dito kahit isang araw lang para maobserbahan pa sya, ililipat narin namin sya sa ward.." sabi ng Nurse sabay abot sakin ng reseta. Medyo busy narin sila since andito kami ngayon sa ER.
"Po?"
"H'wag kang mag-alala sa bill nyo, sinagot na ng kumpanya ng driver lahat ng bill nyo dito sa ospital."
Nang marinig ko yun, para bang nakahinga ako ng maluwag at syempre nawala narin yung pag aalala ko ng malaman kong okay narin si Joan.
Ilang minuto ang lumipas nilipat na si Joan sa semi private na kwarto habang ako dinischarged na dahil gasgas at sugat lang ang natamo ko, ang sabi ng doktor pahinga nalang ang kailangan ko at inumin yung mga gamot na binigay nya.
Dun ko rin nalaman na isang gabi na pala kaming nandito sa ospital, hapon nangyari ang aksidente at nakatulog ako hanggang sa magising ako kanina na magtatanghali na. Dahil siguro sa pagod at shock na naexperienced namin.
Nang mai-ayos na si Joan sa higaan nya agad kong tinawagan yung classmate namin para iparating sakanila yung masamang nangyari saming dalawa ni Joan, well siguro nabalitaan na nila na may dalawang estudyanteng nasagi ng jeep pero hindi nila alam na kaming dalawa yung ni Joan.
Tatawagan ko sana mga parents ni Joan pero di ko na tinuloy baka kasi mag alala pa sila samin dalawa, tutal gasgas lang naman to at lalabas narin sya ng ospital bukas.
Naisip ko rin bigla na parang ang bilis pala ng oras at ang dali dali lang ng buhay, siguro kung hindi kami agad nakaiwas in last minute at tuluyan parin kaming nanigas nun siguro mas worst pa dito ang inabot naming dalawa.
Kasama ako sa paghatid kay Joan sa kwarto hanggang ngayon natutulog parin sya. Pinasok na sya pero ako naiwan pa sa labas ng kwarto dahil kinausap pa ako ng driver at ang kasama nyang isa pang lalaki na galing sa kumapanya nila.
Humingi ng pasensya ang ginoo at sinabing aakuin lahat ng gastos at gamot sa ospital na gagamitin namin. Agad ko namang tinanggap yung despensa nya dahil alam ko naman na aksidente ang nangyari at wala samin ang may gustong magyari to.
Ilang oras pa nagising na si Joan at mukang okay naman na sya dahil ang unang lumabas sa bibig nya ay pagkain. Gusto nya ng pagkain!
"Sige Jo, bili lang ako ng pagkain." Sabi ko kay Joan sabay kinuha ko yung bag ko na nakalagay sa upuan.
"Pau, wag OA sa pagkain ha yung kaya ko lang ubusin."
Sinagot ko lang sya ng tango. Nasa semi private na ward kami kaya medyo may ibang tao, buti nalang kahit nasa semi kami medyo spacious naman ang pagitan sa ibang pasyente nahahati lang kami ng kurtina.
Lumabas ako ng ward at nag isip kung ano ba yung bibilihin ko para kay Joan, iniisip ko mag Jolibee kaso ang mahal tapos hindi pa healthy, pag sa cafeteria naman ako bumili ang mahal! Maghanap nalang kaya ako ng karindirya sa labas?
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romance****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...