Chapter 30 : Dave's family

731 41 8
                                    

Anong ginagawa ni Dave dito? Jusko! Tignan mo halos maihi na yung mga estudyanteng nag lipon dito para makita lang sya ng malapitan.

"Dave!" Nagulat ako ng sumigaw si Joan, agad naman syang napatingin samin.

"Huy!" Sabi ko sabay tapik kay Joan.

"Ano kaba! Malamang ikaw yung hinahanap nyan! Isa pa tignan mo mga classmates natin pati yung sa kabilang block malamang inggit na inggit sila sayo ngayon." Bulong pa nya.

"Pau!" Tawag ni Dave. Nagtinginan naman mga classmate ko sakin, para namang hindi nila alam na housemate kami ni Dave! Ang bilis kumalat ng balitang yun!

"Ako?" Sabi ko ng walang boses at tinuro ko yung sarili ko na sinagot naman nya ng pagtango.

"Ano pang ginagawa mo! Tumayo kana! O yung gamit mo!" Sabi ni Joan sabay tulak sakin para tumayo. Inabot nya rin sakin yung bag ko.

"Kita nalang tayo bukas sa fieldtrip." Dagdag pa ni Joan.

Dahan dahan akong naglakad palapit kay Dave, narinig ko pa yung mga classmate ko na nagbubulungan especially yung mga babae na sino raw ako para sunduin pa ni Dave. Yung iba naman naririnig ko na sana ako nalang sila yung iba naman hindi makapaniwala.

"Kaibigan ko yan!" Sigaw ni Joan kaya naman napatingin ako kay Joan at tinignan ko sya ng masama. Proud na proud yan?

Hindi pako nakakalabas ng pinto ng room namin hinila agad ako ni Dave at inakbayan kaya naman nagtilian lahat ng estudyanteng nandun.

"Huy anong ginagawa mo?" Sabi ko nalang habang sumusunod sa paglalakad ni Dave. "Teka san ba tayo pupunta?" Dagdag ko pa.

Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga tao kaya naman sobrang nakakahiya, i mean hanggang ngayon di parin ako sanay na ganito na ngayon yung buhay ko dahil napapaligiran ako ng tatlong gwapo dito sa campus namin.

Nang makaalis kami sa maraming tao, huminto kami di kalayuan sa labas ng gate ng school.

Tumingin ako kay Dave na may pagtataka. "Diba nga nangako ka sakin kanina na sasamahan mo ako sa bahay?" Sabi ni Dave kaya naman nanlaki yung mga mata ko.

"Ha!? Teka! Teka! Anong sinasabi mo? Bakit pati ako nadamay?" Sabi ko.

"Actually hindi ko rin alam kung bakit ako pinapauwi sa bahay."

"Oh ano namang kinalaman ko dyan?!"

"Syempre, i need you. Just in case, may po-protekta sakin!" Sabi nya sabay bukas ng pinto sa likuran ng sasakyan ng huminto samin yung kulay itim na sasakyan na sobrang gara at kintab na parang na- nanalamin kalang.

"After you." Sabi ni Dave.

"Hindi ba pwedeng ikaw nalang? Tutal bahay mo naman yun pupuntahan mo?"

"Nope"

"Daaaaaaveee."

"pasok na!"

Hindi nya ko pinansin at tinuro nya yung pintuan na para bang sinasabi na pumasok na ako kaya naman wala nakong nagawa kundi ang pumasok. Sobrang tilian naman yung mga estudyanteng nakakita sa ginawa ni Dave sakin! Kung tulungan kaya nila ako? Hindi ba sila concern na parang pinipilit akong punasok sa sasakyan? Parang kinikilig pa sila. :(

Hindi naman ako ang kakausapin pero bakit parang mas ako pa ang kinakabahan ngayon?

"okay, sasamahan lang kita hanggang sa pinto nyo ha!" sabi ko na medyo kinakaba kabahan pa.

tahimik kaming dalawa ni Dave marahil parehas kaming kinakabahan, pero nung nakausap ko naman na yung mga kapatid ni Dave okay naman na sila hindi na sila agresibo at mahahalata mo talaga na may mga pinag-aralan ito.

3 Handsome Prince (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon