Pagkalabas namin ng ospital nagulat ako at napatingin kay Dave ng bigla syang huminga ng malalim at nag buntong hininga.
"O-okay kalang ba?" Tanong ko pero tumingin lang sya sakin na medyo nakangiti.
"Hindi."
"Hindi? Pero bakit parang nakangiti ka?"
"Wala..." Umiwas na sya ng tingin.
"Bakit nga!?"
"May na-realised kasi ako today."
"Ano naman yun?"
Binalik nya yung tingin nya sakin. "Ang tapang mo pala."
"Ha!? A-a-anong sinasabi mo dyan?!"
"Pinagalitan mo yung dalawa kong kuya." Sabi nya at tuluyan na nga syang ngumiti.
"Pinagalitan?! Hindi ko sila pinagalitan ha, teka? Muka bang pinagalitan ko sila? Hala!!! Anong gagawin ko? Baka magalit sakin yung mga kapatid mo!! Pero sinabi ko lang naman kung ano yung totoo eh!. isa pa para naman sayo yun+ , para ipagtanggol k-----"
"Alam ko... kaya nga kahit ganun yung nangyari masaya parin ako, kasi alam kong kakampi kita." Sabi nya sabay nagsimula na syang maglakad.
"A-anong! Teka ang init ng mukha ko. Nababaliw na ba sya?" Sabi ko sa sarili ko sabay hinabol ko sya. "Huy Dave saglit nga lang!"
Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin kaya naman napa atras ako ng kaunti para di tumama yung mukha ko sa mukha nya, nanlaki yung mga mata ko ng bigla kong maalala yung ginawa nya sakin kanina! Pag uusapan pa ba namin yun o hindi na!?
"Nga pala!"
"Uhm?" Napatingin ako sa kanya.
"ngayong alam mo na ang totoo, siguro naman babalik kana sa bahay diba? Maawa ka naman sa mga taong iniwan mo! Isa pa nangako ka sa mommy ni Rad diba? na aalagaan mo sya?!
See you later!" paalam nya at agad na kumaripas ng takbo! ni hindi man lang nya ako hinintay sumagot!
Pano nya naman nasabing kawawa yung mga taong naiwan ko dun!?
Eh komportableng komportable nga yung buhay nila dun! ni hindi nga sila namo-mroblema!
Ay teka lang! shit! Si Joan nga pala, nakalimutan ko na!!!!
Nagmadali akong bumalik sa loob ng ospital habang kinakaba-kabahan pa, hindi ko na kasi alam kung ilang oras naba akong nawala simula nung iwan ko si Joan sa ward, malamang gutom na gutom nayun! dito nalang ako sa cafeteria ng ospital bibili ng pagkain nya, kahit pa alam naman nating lahat na sobrang mahal ng pagkain dito.
Pagdating ko sa loob ng cafeteria halos wala nakong makitang ulam, anong oras narin kasi ngayon.
pero buti nalang may isang ulam pa ang natira, pinakbet. hindi ko lang sure kung bet to ni Joan, pero wag na syang mag inarte sinamahan ko naman ng isang boiled egg hahaha at ayun na nga as expected sobrang mahal ng pagkain dito.
Nagmadali akong bumalik ng ward at malayo palang ako nararamdaman ko na yung galit ni Joan at parang sinasaksak na nya 'ko sa mga tingin nya.
"Ay ano teh! Sa masinloc ka paba bumili ng pagkain? Nakakaloka ka! Sana tinagalan mo pa, medyo maaga pa oh!" Bungad ni Joan. Ganyan sya magsalita pag gutom na sya hahahaha pero syempre alam ko naman na yun dahil close naman kami hehe.
"Ay sorry, may nangyari kasi eh! Heto na nga!" Nang marinig yun ni Joan agad nagbago ang itsura ng mukha nya hahaha sabi ko sainyo eh chismosa talaga to eh. Di naman sa madaldal ako pero kinwento ko sakanya yung pangyayari kanina pero hindi na detailed ha syempre may mga bagay nakong hindi sinali tulad ng mga kapatid ni Dave kasi private life na nya yun.
BINABASA MO ANG
3 Handsome Prince (BL Romance)
Romans****Disclaimer**** This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemb...