Chapter 59

333 37 7
                                    

Nakacrumple at may bahid pa ng natuyong dugo ni Stell ang papel.

Nanginginig si Sejun habang hawak ang kapirasong papel. Pinilit niyang kumalma bago buksan ang kapirasong papel. Inabutan siya ng mga tao ng tubig para mas kumalma siya.

Makalipas ang ilang minuto, binuksan na ni Sejun ang papel. Magulo, at hindi maintindihan ang nakasulat pero pinilit niya itong intindihin at basahin.

"S .. e .. j .. u .. n" unang salitang nabasa ni Sejun. Tinuloy niya pa ang pagbasa habang tuloy pa rin sa pagluha ang kanyang mga mata.

"Sejun, sorry ngayon lang ako nakauwi. Patawarin mo sana ako"

Nagsimula na namang humagulgol si Sejun at pinuntahan ang kabaong ni Stell.

"Stell, baket?!"

"Bakit ang sakit?"

"Nasasaktan ako."

"Stell sobrang sakit."

"Yung puso ko parang sinaksak paulit ulit."

"Stell .."

"Para akong mamamatay sa sakit."

"S-stell ..."

Sunod sunod na tanong ni Sejun habang nakatingin sa mukha ni Stell at yakap ang kabaong nito.

Buong gabing nasa tabi ni Stell si Sejun, umiiyak. Wala ng mailuha si Sejun pero kitang kita sa kanyang mga mata ang sobrang kalungkutan. Hanggang nakatulog na siya dahil sa sobrang pagiyak.

Hindi siya iniwan ng mga taong nagdala kay Stell sa kanilang bahay. Inilipat nila si Sejun sa sofa para mas makapagpahinga ito ng maayos.

Kahit tulog na si Sejun ay lumuluha pa rin ang kanyang mga mata.

"Stell .. " sambit nito habang tulog.

MeoweuWhere stories live. Discover now