Chapter 58

292 32 10
                                    

Lumipas ang ilang araw, at wala pa ring Stell na umuuwi pero may nagdedeliver ng pagkain araw araw kay Sejun.

Hanggang sa isang gabi ..

*door bell rings*

Kinabahan pa si Sejun nang marinig niyang may nagdoorbell na agad naman napalitan ng excitement at saya.

"STELL?!?!?!"

*door bell rings*

"WAIT!! Andyan naaaaaaa!"

Pagkabukas ni Sejun ng pinto ay halos hindi maipinta ang kanyang mukha. Ni hindi niya malaman kung anong emosyon ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na yon.

Bago pa man makapagsalita si Sejun, inunahan na siya nito magsalita.

"Dito po ba nakatira si Stell?"

Tango na lamang ang naisagot ni Sejun habang nakatitig sa dala dala nila na tila ba may hint na siya sa utak niya kung ano yon pero tinititigan niya ito maigi. Hanggang sa muling nagsimula ito.

"Eto po yung bangkay ni Stell."

Nanlaki ang mga mata ni Sejun nang marinig niya ang mga salitang ito.

"B-bangkay? Eh p-pang patay lang yun diba?" Nanginginig at nauutal ni Sejun.

"Sorry po, Sir." Ang tanging nasambit ng lalaki.

"Wag ka magaalala, Sir. Bayad na po ang lahat. Dinala lang po namin dito para makita at makasama niyo pa siya."

"Sinubukan po namin, Sir. Ang daming dugo ang nawala sa kanya. Sorry Sir."

Sunod sunod na sabi ng mga kasama ng lalaki.

Napaluhod si Sejun sa kanyang kinatatayuan, tulala, at nagsimula na tumulo ang kanyang luha.

"STEEEEEEEELLL!!!!!!!!!!!"" Sigaw ng malakas ni Sejun

"STEEEELLL BAKEEEEETT?!?!?!"

Walang tigil sa pag hagulgol at sigaw ni Sejun. Pinatahan siya ng mga taong nagdala kay Stell at may inabot na kapirasong papel kay Sejun.

MeoweuWhere stories live. Discover now