"Tao po! Tao po! Food delivery po" Sigaw ng SuperBike food delivery.
Nagising si Sejun dahil sa pagkatok ng nagdedeliver. Naisip agad niya na wala si Stell dahil walang nagbubukas ng pinto. Halos nakapikit pa si Sejun nang kuhain niya ang pagkain sa labas.
"Kayo po ba si Sir Sejun?" Tanong ng nagdeliver
"Ah opo" sagot ni Sejun sabay hikab
Inabot na ng nagdeliver ang pagkain at umalis na rin agad.
Ilalapag na sana ni Sejun ang pagkain sa lamesa at babalik sa pagtulog nang may nalaglag na papel mula sa dineliver na pagkain.
"To: Sejun
Pumasok na ko nang di nagpapaalam, mukhang masarap tulog mo eh. Sorry rin kasi hindi ako nakapagluto ng makakain, may urgent meeting kami. Kaya eto, pinadeliveran na lang kita. Kumain ka sa tamang oras ha? Hindi rin ako uuwi ngayong gabi, baka gusto mo kasi munang mapagisa. Ingat ka dyan, Sejun."
Sa hindi malamang kadahilanan, kumirot ang puso ni Sejun. Malungkot niyang kinain ang pinadeliver ni Stell na pagkain habang paulit ulit binabasa ang note.
"Pag umuwi si Stell bukas, aayain ko siya umalis. Gusto ko siguraduhin tong nararamdaman ko." Pakikipagpustahan ni Sejun sa tadhana.
Nagsimula na magisip ng pwede gawin sa lakad nila ni Stell at kung saan ang maganda puntahan dahil sigurado siyang uuwi si Stell kinabukasan.

YOU ARE READING
Meoweu
FanfictionSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...