Chapter 47

334 33 5
                                    

Bago pa man matapos ang araw, dinala ni Stell si Sejun sa isang rooftop. Mula roon ay tanaw nila ng syudad. Mula sa kanilang kinaroroonan ay sobrang laki ng buwan na para bang ang lapit mo na pero hindi pa rin.

Sobrang namangha si Sejun sa kanyang nakita, pinagmamasdan niya lamang ito na tila ba'y wala siyang kasama.

"Ehem" pagpapapansin ni Stell

Ngunit dedma lang si Sejun.

"Sejun" tawag ni Stell

"Bakit?" Sagot ni Sejun ngunit nakatingin pa rin siya sa magandang tanawin

Mula sa lirukan ni Sejun ay iextend ni Stell ang kanyang braso papunta sa harapan ni Sejun para isuot ang kwintas na kanyang binili. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Sejun. Humarap siya kay Stell.

Halos maglapat ang kanilang mga ilong nang humarap si Sejun habang ang kamay naman ni Stell ay nasa balikat na ni Sejun hawak hawak ng kwintas.

Natigilan silang dalawa at nagtitigan ng ilang segundo.

"Wag ka malikot. Para sayo to. Talikod ka ulit" mahinhin na sabi ni Stell

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Sejun

"Sinusuot tong kwintas." Sagot naman ni Stell

"Umuwi na tayo, Stell." Pagawat ni Sejun sa ginagawa ni Stell

"P-pero."

"Pagod na ko, Stell. Uwi na tayo. Please?" Pagaya ni Sejun sabay alis.

"Sorry. Sorry. Sorry, Stell." Bulong ni Sejun sa sarili habang naglalakad palayo

"Akala ko magugustuhan niya to." Malungkot na sabi ni Stell sa sarili

"Sejun! Hintay naman!" Sigaw ni Stell kay Sejun dahil nauna itong bumaba.

Halos tumakbo si Stell para maabutan si Sejun, at nang maabutan niya ito sa kalsada.

"S-sorry. Akala ko-" sabi ni Stell habang hawak ang braso ni Sejun

"Uwi na tayo." Seryosong sabi ni Sejun

Napagdesisyunan ni Stell na sumakay na lang ng taxi pauwi dahil sa nangyari. Si Stell ay nasa passenger seat habang nasa likod naman si Sejun.

MeoweuWhere stories live. Discover now