Chapter 54

315 29 7
                                    

*hiccups*

"Mag .. kakilala b-ba ta .. yo?" Tanong ng lalaki kay Ken

"Di mo na ko naaalala? Tinulungan mo ko dalhin yung kaibigan ko sa ospital" sagot ni Ken

"Aahh .. ehh .. ha???"

"Ayos ka pa ba tol? Uwi ka na kaya?" Sabi ni Ken

"Di a-ako makaka .. uwi .. " pilit na pagsagot ng lalaki kay Ken

"Bakit?"

"Tu-tumakbo yung bahay k-ko. Hi-hindi ko maha .. bol" sagot nito

"Tangina, wasak na to." Bulong ni Ken sa sarili

"Ano ba address mo, Josh? Ibbook na lang kita. Ako na magbabayad." Sabi ni Ken habang inaalalayan si Josh.

"joshcullens@email.com" sagot ni Josh

Napabuntong hinga na lamang si Ken. Kaya nama'y naghanap si Ken ng gamit ni Josh na pwedeng matrace kung saan ito nakatira, o kaya nama'y kung sinong pwede sumundo sa kanya doon. Inuna ni Ken icheck ng cellphone ni Josh.

"Gara naman nito? Hindi naglalagay ng phone lock. Hmmm" chineck agad ni Ken ang messenger ni Josh ngunit mahina ang internet connection, kaya nama'y tinignan niya ang contacts nito.

"Love?"

"Sana ol may jowa. Eto na lang itetext ko. May load naman siguro to, may jowa eh." Sabi ni Ken sa sarili

"Hello?" Text ni Ken

"Ano ba, Josh?! Can you stop bugging me? Ayoko na nga. Hindi na ko babalik sayo! I'll be blocking your number as well as sa FB, IG, Twitter and all! Bye!" Reply ng "love" ni Josh

"Ay pota broken pala si gago. Kawawa naman. So .. ano gagawin ko dito." Tanong ni Ken sa sarili

MeoweuWhere stories live. Discover now