Tulog man si Sejun, ngunit ang kanyang mga mata ay patuloy pa rin sa pagluha, sinasambit ang pangalan ni Stell.
"Stell .."
Sejun's POV
"St .. ell .."
"Stell?!?"
Hinabol ni Sejun si Stell. Binilisan niya ang pagtakbo upang maabutan ito, hinawakan niya ang braso nito ..
"Stell! Mabuti naman at buha-" napahinto at napaupo siya nang lumingon ito sa kanya.
"B-bakit ka andito?!"
"Asan si Stell?!"
"Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Ibalik mo siya!!!!"
"Parang awa mo na .."
"Ibalik mo si Stell"
"Ibalik mo siya sakin .. Granny Cat." pagsusumamo ni Sejun.
Tuloy tuloy na pagmamakaawa ni Sejun kay Granny Cat at umiiyak na parang bata sa harapan nito. Basang basa ng luha ang mukha ni Sejun ngunit di niya ito inanintala.
"Granny Cat .." sambit ni Sejun habang tinignan si Granny Cat nang may kaawa awang mukha.
"Bakit mo ba kasi pinili na tumagal dito?"
"Bakit ka ba kasi nandito?"
"Binalaan na kita dahil alam kong magkakaganito. Bakit ba hindi ka nakinig sakin noon?"
Sunod sunod na sabi ni Granny Cat kay Sejun. Nakaramdam ng awa si Granny Cat para kay Sejun ngunit wala siyang magawa.
"Hijo, oras na para malaman mo ang lahat. Pero una sa lahat, patawarin mo ko dahil huli na ang lahat."

YOU ARE READING
Meoweu
FanfictionSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...