Hindi na biro ang ginagawa ni Sejun. Sa kagustuhan niyang makabalik agad sa kanilang mundo ay hindi lang isang tableta ang iniinom niya. Minsan tatlo, minsan lima, para makatulog siya agad.
Medyo nakakahalata na si Josh dahil lagi niya itong nadadatnan na tulog o di kaya'y madaling madali matulog kahit kagigising lamang nito.
"Stell" pabulong na tawag ni Josh
"Oh bakit?"
"Kailan pa naging antukin yang alaga mo?" Diretsahang tanong ni Josh
"Hindi ko alam. Bakit?"
"Mas madalas ko pa makitang tulog kesa gising eh. Hindi sa pagrereklamo dre, pero parang may mali?" Sabi ni Josh na tila naghihinala na
"Baka naman kasi napapagod."
"Pagod? Ni hindi ko na nga nadatnan tong bahay na maayos nitong mga nakaraang araw eh." Sabi ni Josh
"Hayaan mo na, ako na lang magaayos. Pasensya na dre." Paghingi ng pasensya ni Stell
Simula nang sabihin ni Josh ang napapansin niya kay Sejun, ay naging mapagmatyag si Stell kay Sejun. Palihim niya itong sinusundan, at tinitignan. At dahil di pa rin nawawala ang katangian ng pusa kay Sejun, agad niyang naramdaman na may nagmamasid kanya habang nakatalikod siya kaya nama'y naging mas maingat siya sa kanyang ginagawa.
YOU ARE READING
Meoweu
FanfictionSejun is a cat who lives in a cat world, and accidentally entered the portal to human world. Can Sejun go back to his world or .. -- Notes: ☆ Bored lang ako ☆ On Going ☆ Pure Fiction! ☆ Slow Updates (?) ☆ Sorry na po agad sa maling grammar ✌ ☆ Happ...