Chapter 23

373 35 0
                                    

Natapos na sila sa gawaing bahay, nakain na rin ni Sejun ang inuwi nilang balut. Nakauwi na rin si Josh galing trabaho, hindi na ito kumain at dumiretso na sa kanyang kama para matulog.

Alas dos na ng umaga, tulog na ang lahat bukod kay Sejun. Pagulong gulong lang siya sa kama niya. Dumapa, tumagilid, nagtulakbong, lahat ginawa na niya pero hindi pa rin siya makatulog.

"Argh! Ano ba to! Lagi na lang bang ganito?! Gusto ko lang naman matulog." Mga salitang tumatakbo sa isip ni Sejun

Nakailang gulong pa siya sa kanyang kama nang matabig niya ang kanyang bag. Nalaglag ang mga gamit na nakalagay roon kaya nama'y iritable niya itong pinulot.

Nakita niya na may gumulong papunta sa ilalim ng kanyang kama, inaabot niya ito nang natigilan siya. Dahan dahan niya itong kinuha palapit sa kanya.

"O-oo nga pala. May sleeping pills ako." Bulong ni Sejun habang kumakabog ang kanyang dibdib dahil baka magising sila Stell at makita ito

Kumuha si Sejun ng isang tableta mula sa lalagyan, at ininom. Hindi rin nagtagal at nakatulog na siya.

MeoweuWhere stories live. Discover now